Joshua Garcia tells Julia Barretto: "Baba, I'm sorry I made a mistake and I promise to be a better man."

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia still cannot reveal whether he and love-team partner Julia Barretto are officially an item. At the press conference of their latest movie I Love You, Hater, Joshua swore to Julia that he would be a better man. The young love team went through a rough patch after alleged screenshots of Joshua's conversations with a girl made the rounds on the internet. 


Makahulugan ang naging sagot ni Joshua Garcia sa tanong kung mayroon siyang bagay na naging hate ngunit minahal din niya.

“Ako, sarili ko,” pahayag ni Joshua.

Paliwanag pa niya, “Yung sarili ko recently, may mga nagawa akong desisyon na mali.

"Pero siyempre, sarili mo pa rin yun. Kailangan mong mahalin.

"Tinuruan din ako ni Baba na mahalin ang sarili ko."

Ang tinutukoy na "Baba" ni Joshua ay ang kanyang love-team partner at rumored girlfriend na si Julia Barretto.

Kamakailan ay nasangkot sa intriga si Joshua nang lumabas ang mga diumano'y screenshot ng kanyang conversations sa isang Instagram user.

Dahil dito ay inamin ni Julia na dumaan sa rough patch ang kanilang pagsasama.


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia brushes off alleged messages with female fan
Joshua Garcia brushes off alleged messages with female fan
Julia slams third-party rumor involving Joshua
Julia slams third-party rumor involving Joshua
Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia
Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Joshua sa press conference ng pelikula nila ni Julia, ang I Love You, Hater, kasama si Kris Aquino.

Ginanap ito noong Lunes, June 18, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.

THE REAL SCORE. Sa naturang presscon, in-on-the-spot ni Kris si Joshua.

Pilit niyang pinapaamin sina Joshua at Julia sa totoong estado ng relasyon nila.

Ayon kay Kris, ang lalaki dapat ang sumagot ng tanong at magkumpirma ng kanilang relasyon.

Deserving lang daw si Julia na si Joshua ang magsalita pagkatapos ng ginawa nito.

Idinugtong pa niyang ang lalaki ay dapat may paninindigan at kayang ipagsigawan na mahal nito ang isang babae.

Hanggang si Kris na nga ang direktang nagtanong kay Joshua kung mahal nito si Julia.

“Yes,” ang mabilis na sagot naman ng 20-year-old Kapamilya actor.

Girlfriend na ba niya si Julia?

“Hindi ko pa masabi, Tita,” tugon ni Joshua.

Bakit hindi?

“Sa tamang panahon!” natawang sagot ng binata.

Hindi man tahasang umamin si Joshua, tila pinasumpa ni Kris ang young actor sa harapan ng press at fans na mananatili siyang faithful sa ka-love team.

At direkta namang nangako si Joshua kay Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Baba, I’m sorry I made a mistake and I promise to be a better man.

“For me, for us.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN