Valeen Montenegro remains close to Alden Richards despite bashers

IMAGE Noel Orsal

Valeen Montenergro is not letting bashers affect her friendship with fellow Sunday PinaSaya co-host Alden Richards.


Hindi raw hahayaan ni Valeen Montenegro na maapektuhan ang pakikipagkaibigan niya kay Alden Richards dahil sa pamba-bash ng ilang netizens.

Hindi rin daw umaasa ang Kapuso actress na maging masaya ang lahat sa ginagawa niya.

Nitong weekend, isang basher ang sinagot ni Valeen dahil sa pagiging pabibo raw nito at “malandi” kay Alden sa kanilang weekly comedy-variety show sa GMA-7, ang Sunday PinaSaya (SPS).

Burado na ang tweet ng basher, pero ikinuwento ni Valeen ang nilalaman nito, gayundin ang komento ng netizens na sumagot sa basher.

Tweet ni Valeen sa basher: “So, ako ba mag aadjust? Hahaha.”

Paliwanag ng aktres tungkol dito, “I meant it as a joke na parang sabi niya, ‘Napaka-OA talaga nitong si Valeen. Naiinis ako sa kanya,’ ganyan-ganyan. ‘Bwisit! Achuchuchu… sa SPS.’

“Parang pagkagising ko, yun ang bumungad sa akin.

“Sabi ko, ‘Ay, sorry naman sa kanya.’

"So, sabi ko, ‘So, ako po ba ang mag-a-adjust? Hahaha!’ Gumanun lang ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Valeen nitong June 19, sa presscon ng upcoming movie niya with Jerald Napoles, ang The Write Moment.

Paano niya hina-handle ang pamba-bash?

“Just take it lightly. You can’t really please [everyone].

“And sometimes pag meron akong mga negative comments, I take it as criticism na at least napapansin ako.

"So you just have to deal with it."

STAYING AS A FRIEND. Sundot na tanong ng PEP.ph kay Valeen, hindi ba naaapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Alden dahil sa pamba-bash?

Sagot niya, “Ay, hindi. Hindi talaga.

"Like I said, kami sa Sunday PinaSaya, para kaming magkakabarkada, magkakapatid…

“Gusto din kasi namin na ganun kami ka-close, if not closer pa.

“Kasi yun yung core ng grupo namin, e.

"Yun ang mailalabas namin as good interpretation of how we are in the show, because we love the show so much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang sikreto kung bakit nagtagal ang kanilang show ng tatlong taon.

“It’s all hard work. Actually, I don’t wanna call it work, kasi we’re happy,” sabi ni Valeen.

Ipalalabas ang The Write Moment sa mga sinehan simula sa June 27. 

POSITIVE FEEDBACK. Samantala, marami namang netizens ang pumuri at sumuporta kay Valeen sa pananatili niyang kaibigan kay Alden sa kabila ng mga pamba-bash.




 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN