Julia Barretto admits loving and hating Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto believes rough patch with Joshua Garcia "happened for a reason."


Itinuro ni Julia Barretto ang ka-love-team at rumored boyfriend na si Joshua Garcia na taong minahal at kinainisan niya.

“Last person na hinate ko pero ni-love ko at the same time,” nakangiti niyang sabi pagtukoy sa aktor.

Nangyari ito sa grand presscon ng bagong pelikula nila sa Star Cinema, ang I Love You, Hater na ginanap noong Lunes, June 18, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Paliwanag ni Julia, “Siyempre, there are some decisions that the person you love will make or made or will make.

"But at the end of the day, nangunguna talaga yung love mo for the person.

“You may hate what they’re doing, but it can never overcome the love that you have for that person.”

Hindi pa rin sinasagot nang direkta nina Julia at Joshua kung mag-boyfriend at girlfriend na sila, sa kabila ng public displays of affection nila habang kasagsagan ng press conference.


Sinagot naman ni Julia ang tanong kung sino ang huling nagsabi ng "I love you" sa kanilang dalawa.

“Siya,” na ang tinutukoy ay ang katabing si Joshua.

“Siyempre siya!” natatawa pang sabi nito.


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia brushes off alleged messages with female fan
Joshua Garcia brushes off alleged messages with female fan
Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia
Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia
Julia Barretto admits rough patch with Joshua Garcia
Joshua Garcia, Julia Barretto get over third-party issue
Joshua Garcia, Julia Barretto get over third-party issue

CONTROVERSIAL CONVO. Hinarap nina Joshua at Julia ang nag-viral na screenshots ng conversation ng young actor sa isang babaeng netizen na masasabing sumubok agad sa samahan o relasyon nila.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia kung sa kabila ng pangyayaring yun ay naging matatag pa rin sila.

“Of course, definitely,” positibong sagot niya.

Tinitingnan ba niya ang naturang pangyayari sa positibong aspeto, na maaga pa lang ay napagdaanan na nila ito ni Joshua at nakita rin naman ng huli ang pagkakamali niya?

Sagot ni Julia, “I think everything that happened in our life, happened for a reason.

“I cannot question God’s plan and the things that He’s making as we experience life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN