Angelica Panganiban ready to entertain "applicants" to her heart?

IMAGE Instagram @iamangelicap

Angelica Panganiban quips about searching for a special someone: "Announcement: baka may kakilala kayo? Negotiable ang terms ko. Tumatanggap na ako ng applicants!"


Tila hinahanda na ni Angelica Panganiban, 31, ang sarili sakaling magmahal siyang muli.

Lalo na't base sa kanyang Instagram posts ay ilang linggo na ring panay ang hugot niya tungkol sa pag-ibig.

Kahapon, Hunyo 20, nagbahagi si Angelica ng litrato ng kanyang kama na may nakaguhit na stick figure ng isang babaeng nakahiga rito.

Mayroon itong written text kung saan nagpahiwatig si Angelica na ang bed space sa tabi niya na “for rent” at “for lease” ay bukas para sa potential “applicants.”

Dagdag ni Angelica, “Announcement: baka may kakilala kayo? Negotiable ang terms ko. Tumatanggap na ako ng applicants!”


Kasunod nito ang isa pang Instagram Story ni Angelica na may katagang “ikaw na lang ang kulang.”


Ngayong Miyerkules ng umaga, Hunyo 21, muling nagpahiwatig si Angelica na maganda ang kanyang gising dahil sa isang hindi pinangalanang taong nagpakilig sa kanya.

Kalakip nito ang larawan niyang nakapikit habang nakangiti.

"Good Morning [smiley emoji] hahaha [smiley emoji] kinikilig ako. Hahahahaha! Salamat sa umaga! Hahahahaha!"

MYSTERY "CRUSH." Unang linggo ng Hunyo nang aminin ni Angelica sa kanyang Twitter account na "may crush na nga ako #patay"

Ngunit hanggang "crush" lang daw muna siya dahil "hindi ko pa kaya" ang magmahal.

Kahit sa kanyang Instagram account ay may posts si Angelica na pinaalalahanan ang sariling "bawal mahulog" o kaya naman ay "always look out for your [heart emoji]."

Mahigpit ang kapit Bawal mahulog

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN