Jodi Sta. Maria evades question about love status; Jolo Revilla posts more hugot lines

IMAGE @jodistamaria and @jolo_revilla on Instagram

Jodi Sta. Maria and Jolo Revilla remain mum about reports that they've ended their relationship.


Umiwas si Jodi Sta. Maria nang tanungin ng entertainment press sa estado ng kanyang puso.

Sa Instagram status ng reporter na si Pilar Mateo, simpleng “Thank you” ang isinagot daw ng Kapamilya actress nang kumustahin ang lagay ng kanyang puso.

Sa pakikipag-ugnayan ng PEP.ph sa reporter, sinabi nitong pagkasagot ni Jodi ng “Thank you” ay lumapit na ang kanyang handlers, hudyat ng pagtatapos ng interview.

Binisita ng ilang press si Jodi sa taping ng kanyang ongoing daytime drama series na Sana Dalawa Ang Puso sa Antipolo, Rizal, nitong Miyerkules, June 20.

Hindi pa kinukumpirma ni Jodi at ng boyfriend na si Jolo Revilla kung totoong naghiwalay na sila.


Stories We Are Tracking

Are Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria still together?
Are Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria still together?

MORE HUGOT TWEETS. Samantala, muling nag-tweet ng “hugot” lines si Jolo.

Kahapon, ito ang tweet ng Cavite vice governor: “You don’t have to be positive all the time.

“It’s perfectly okay to feel sad, angry, annoyed, frustrated, scared or anxious.

“Having feelings doesn’t make you feel a negative person, it makes you human.”

Noong Martes, nag-tweet naman siya ng: “My life isn't perfect. But it does have perfect moments.”

Una nang nag-tweet si Jolo noong Lunes, June 18, ng hugot line sa gitna ng usap-usapang breakup umano nila ni Jodi.


Stories We Are Tracking

Jolo posts cryptic tweet amid rumored breakup with Jodi
Jolo posts cryptic tweet amid rumored breakup with Jodi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN