Ynez Veneracion files cyber libel complaint against businesswoman Kathelyn Dupaya

IMAGE Noel Orsal

Hindi na raw matiis ni Ynez Veneracion ang paninira ng negosyanteng si Kathelyn Dupaya laban sa kanya. Kaya naman naghain na siya ng reklamong cyber liber laban kay Dupaya sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation ngayong Huwebes, June 21.


Naghain ng reklamong cyber libel ang aktres na si Ynez Veneracion laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn “Kathy” Dupaya.

Isinampa ni Ynez ang reklamo sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila ngayong Huwebes ng hapon, June 21.

Pinanumpaan at pinirmahan ni Ynez ang kanyang limang-pahinang reklamo sa harap mismo ng head ng NBI Cybercrime Division na si Manuel Antonio Eduarte.

Kasama ng aktres ang kanyang abugadong si Atty. Paolo Lim.



Kasama sa kanyang affidavit ang lahat ng kopya ng mga diumano'y mapanirang posts ni Kathy laban sa kanya sa Facebook.

Nag-ugat ang reklamo ni Ynez sa aniya'y katakut-takot na pang-aalipusta at pananakot sa kanya ni Kathy sa social media, lalo na sa Facebook, matapos niyang isiniwalat ang daang libong kulang pa nito sa kanya mula sa naibigay niyang pera bilang investment sa negosyo ng negosyante.


Stories We Are Tracking

Ynez speaks up about falling victim to investment scam
Ynez speaks up about falling victim to investment scam
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion

Saad niya, “Kasi ang dami kong nabasang mga posts na below the belt talaga na paninira sa akin, na hindi naman totoo.

“So yun, nung nabasa ko yun, muntik na akong umiyak. Pero sabi ko nga, 'I have to stand for my daughter.'

“'So ganito na lang, remedyuhan na lang natin,' so ang solusyon ay hindi ang pag-iyak.

“Solusyon na lang na gagawin ko, sabi ko... lumapit muna ako kay Atty. Paolo Lim kung paano ang gagawin namin.

“So, ito na nga, ending dito nga, hingi kami ng tulong sa NBI Cybercrime Division para matigil na din yung mga below the belt na mga posts laban sa akin.

“Kasi alam naman natin ngayon ang social media. Malaki na talaga ang sakop ng social media.

"So, kung ano yung pinost mo... di ba, sabi nga nila, 'Think Before You Click,' lalung-lalo na yung mga posts na laban sa akin na mga kasiraan, yun yung mga nababasa sa akin ng mga tao, lalung-lalo na kapag sobrang foul na talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang gustong mangyari ni Ynez matapos niyang ireklamo si Kathy?

Tugon niya, “Na matigil na ang pagpu-post niya, yung mga kasiraan, yung mga foul.

“Pero siyempre, hindi naman natin mapi-prevent, halimbawa, mag-public apology siya, hindi naman niya yun gagawin.

“Ang akin lang na matigil na siya at malinis ang pangalan natin.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynez sa tanggapan ng NBI Cybercrime Division office pagkatapos niyang mag-file ng reklamo laban sa negosyante.

CYBER LIBEL COMPLAINT. Ayon naman kay Atty. Paolo Lim, wala silang inilagay na prayer sa kanilang reklamo dahil ang gusto lamang nila ngayon ay magpatulong sa NBI upang tumigil na si Kathy sa paninira sa kanyang kliyente.


“Bale wala talaga tayong prayer dito sa complaint affidavit dahil ang nakalagay lang sa complaint affidavit ay yung mga nangyari simula't sapul.

"And at the same time, nilagay po natin diyan yung mga alleged na mga libelous statements at posts po sa social media.

“Bale po ang purpose natin kaya tayo nag-file dito sa NBI ay hindi po para po isuplong si Kathy Dupaya kundi i-request po sa social media [sites] kung saan naka-post yung mga libelous statements na i-preserve yung mga links ng posts na yun para magamit po ito sa korte po.”

Alam ng abugado na bago pa lang ang Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 kaya wala pang masyadong jurisprudence o mga naunang desisyon ng korte tungkol sa ganitong klaseng reklamo at kaso.

Saad ni Atty. Lim, “Bale po ang cyber libel dito sa Pilipinaas ay relevantly bago lang iyan, e, 2012 lang kasi iyan napasa yung batas.

“Pero ang cyber libel kasi ay nag-uugat pa rin siya sa Revised Penal Code [Article 353], yung tinatawag nating kaso ng libel, dun pa rin.

“Bale yung sa cyber libel, meron nang napaparusahan dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May ilan na rin na umabot  sa Korte Suprema, pero masasabi natin na hindi pa ganun kalalim yung jurisprudence natin sa cyber libel dahil bago lang siya.

“Isa ito sa mga paraan kung saan yung mga complainant ay puwedeng dinggin ng batas para malinis ang kanilang mga pangalan sa mga paninira na sinasabi ng ibang partido.”

Bukas ang PEP.ph sa maaaring ihayag o statement ni Kathelyn Dupaya.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN