Sta. Rosa Mayor Dan Fernandez proud of constituent Alden Richards: "Marunong siyang tumanaw ng utang na loob."

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Sta. Rosa Mayor Dan Fernandez says Alden Richards has the potential to be future public servant. "Pero...i-treasure niya muna yung pagiging artista."


Mayor ng Sta. Rosa City sa Laguna ang aktor na si Dan Fernandez, at isa sa mga residente ng nasabing bayan ay ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Ano ang nararamdaman ni Mayor Dan na ang isa sa constituents niya ay isa sa pinakasikat na male celebrities sa bansa?

Saad ng actor-politician, “Close kami.

“We’re proud of him! Kasi siyempre tagarito siya.

"Tsaka kapag uma-attend siya ng mga events namin, laging libre!

“Hindi siya nagpapabayad dito [sa Sta. Rosa]. E, kasi galing siya sa Ginoo, e.”

Nanalong Ginoong Sta. Rosa si Alden noong 2009 at Ginoong Laguna noong 2010.

Malapit din si Alden sa pamilya ni Congresswoman Arlene Arcillas.

Si Congresswoman Arlene ay mayor pa lamang ng Sta. Rosa noong hindi pa gaanong sikat si Alden.

Bago ito ay naging mayor din ng Sta. Rosa ang ama nito.

Patuloy ni Mayor Dan, “So, pag dito siya talaga, it’s always for free.

“And we are very thankful at siyempre naalagaan din siya ni Congresswoman Arlene 'tsaka ni Mommy Ofie [ina ni Congresswoman Arlene].

“Marunong tumanaw ng utang na loob yung bata, and that’s one thing na I’m proud of him.

“Dahil nga siyempre parang, alam mo, yung ibang kabataan ngayon minsan, hindi na marunong tumanaw ng utang na loob.

“Pero si Alden, marunong siyang tumanaw ng utang na loob.”

Kahit pagod at puyat daw si Alden, pero kapag nahilingan nilang pumunta sa isang event nila sa Sta. Rosa ay dumarating ito.

Sabi pa ni Mayor Dan, “Kahit ala-sais, ala-siyete ng umaga, andito na yun, pumaparada na yun! Naglalakad yun diyan.

“Tsaka nag-i-stay siya nang matagal. Tsaka any event na iniimbitahan namin siya, pumupunta siya.

“Hindi siya nagbago.

“Basically ano siya, mabait talaga yung bata.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mayor Dan sa opisina niya sa Sta. Rosa City Municipal Hall kahapon, June 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALDEN AS PUBLIC SERVANT? Sa palagay ni Mayor Dan, although matagal pa siguro, may posibilidad kayang maging isang matagumpay na public servant si Alden sa Laguna?

May chance kayang kumbinsihin niya si Alden na pasukin ang pulitika balang araw?

Tugon ng alkalde, “Why not? Oo! Kasi ano siya, baka pagdating ng panahon, puwedeng maging public servant dito iyan, kasi ano naman siya, e, malapit sa tao. 

“'Tapos  approachable, matulungin, marunong tumulong.

“Who knows? Someday. Di ba? He’ll be a leader as well.”

Ngunit payo naman ng alkalde, “Pero iano niya muna yung ano… i-treasure niya muna yung pagiging artista.

“Yung pagiging artista, somehow, minsan lang dumarating sa buhay ng tao iyan, e.

“And siyempre, kailangan i-maximize mo.”

Lalo pa nga at sikat na sikat si Alden ngayon, at malapit nang mapanood sa pagbibidahan nitong prime time series sa GMA-7, ang Victor Magtanggol.

“Oo, ang hirap hanapin niyan, and it knocks only… I think once or twice.

"Pero minsan… makikita mo ang dami nang artista ngayon.

“Pag umalis ka ng showbiz, mahirap ka nang makabalik.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN