Kris Aquino wants Alden Richards as co-star in her dream movie

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino says to do a movie with Kapuso star Alden Richards is on her bucket list. In fact, Kris already has a story in mind for her dream movie with Alden. 


Isang thankful fan ni Alden Richards ang sinagot ni Kris Aquino sa Instagram.

Ito ay kaugnay ng recent statement ni Kris na mas pipiliin niya si Alden kaysa sa Kapamilya star na si Joshua Garcia kung sakaling kasing-edad siya ni Julia Barretto.

Ginawa ni Kris ang statement na ito sa press conference ng upcoming movie na I Love You, Hater, kasama sina Joshua at Julia, noong Lunes, June 18.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino chooses Alden Richards over Joshua Garcia
Kris Aquino chooses Alden Richards over Joshua Garcia

Mensahe ng Alden fan kay Kris: “Thank you for appreciating the good looks of @aldenrichards02 and choosing him over somebody else.”

Sabi pa ng netizen, sana raw ay mai-guest ni Kris si Alden sa kanyang YouTube channel.


Sagot naman ni Kris, hindi lang ang hitsura ni Alden ang nagustuhan niya rito.

“Gusto ko talaga yung aura nya, his love for family, and the fact that he waited & worked so hard to have what he has now,” sabi ng 47-year-old TV host'actress/social media influencer.

Alam din daw ng indie film director na si Adolf Alix Jr. na nasa bucket list ni Kris na makagawa ng pelikula kasama si Alden.

“Direk @aalixjr knows if there is 1 project I really want to do- it is a movie of how a single mom who devoted her life to raising her child will cope when her son is now a working adult & asserting his independence. And the son I can picture is @aldenrichards02. #bucketlist.”


Sa thread ding ito, nagkomento si Direk Adolf at sinabing umaasa siyang matuloy ang inaasam na proyekto na ito ni Kris.

Sagot naman ni Kris, ipagdarasal niyang mangyari ito.



Si Adolf ang nagdirek ng martial law special na pinagbidahan ni Alden at ipinalabas sa GMA-7, ang Alaala: A Martial Law Special, na ginawaran pa ng silver medal award sa 2018 New York Festivals.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN