Former bold star Bridgitte de Joya arrested for illegal drugs

IMAGE Screen grab from ABS-CBN / Police Regional Office 3

Former bold star Bridgitte de Joya, who starred in Seiko Film's Gigil and Kangkong, is now in jail after she and her live-in partner were arrested for possession of illegal drugs and drug paraphernalia.


Isa na namang showbiz personality ang inaresto dahil nahulihan ng ipinagbabawal na gamot.

Ito ay ang dating bold star na si Bridgitte de Joya—Michelle Comstack sa tunay na buhay.

Nagbida siya noon sa dalawang pelikula ng Seiko Films: Gigil (2000) at Kangkong (2001).



Bridgitte de Joya with former leading man Leonardo Litton

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, inaresto si Bridgitte at ang kanyang live-in partner na si Marciano Camacam (alyas Bong Guevarra) sa San Fernando, Pampanga nitong Huwebes ng hapon, Hunyo 21.

Nakuha sa kanila ang walong sachets ng hinihinalang shabu, limang improvised tooters na may shabu residue, weighing scale, dalawang plastic na bote ng softdrinks na may liquid substance na hinihinalang ilegal na droga.

Sa bisa ng search warrant ng pinagsamang puwersa ng Pampanga Provincial Drug Enforcement Unit, San Fernando Police Station, at Special Weapons and Tactics unit, naaresto sina Comstack at Camacam sa tinitirhan nila sa Block 2, Lot 17, Northville, Calulut Resettlement.

Hinahanda na umano ng awtoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kina Comstack at Camacam.

Pagkatapos ng dalawang pelikula ay bigla na lamang nawala sa sirkulasyon si Bridgitte.

Noong 2013 ay naging lamang siya ng balita dahil sa pang-aabuso diumano sa kanya ng dating asawa, si Miguel Moreno, na isa ring dating sexy actor.


Stories We Are Tracking

Mark Anthony Fernandez arrested for illegal drugs
Mark Anthony Fernandez arrested for illegal drugs
Sabrina M arrested in buy-bust operation
Sabrina M arrested in buy-bust operation
Karen Bordador caught in possession of illegal drugs
Karen Bordador caught in possession of illegal drugs
Krista Miller admits pregnancy amid imprisonment
Krista Miller admits pregnancy amid imprisonment


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN