Bong Revilla jail selfie leads to mobile phone confiscation

IMAGE Bong Revilla Facebook

PNP spokesperson Senior Supt. Benigno Durana on confiscating Bong Revilla's mobile phone: "An investigation is being conducted by HSS to determine the circumstances surrounding that apparent breach of regulations, despite unannounced inspections of all the cell blocks at least twice a week."


Kumpiskado ng pulisya ang mobile phone ni dating Senator Bong Revilla dalawang araw mula nang mag-post ito ng selfie sa kanyang Facebook account.

Sinasabing kuha ang selfie sa loob ng Philippine National Police Custodial Center kung saan nakaditena si Bong dahil sa pagkakasangkot niya sa pork barrel scam.

Naunang naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sentimiyento ng actor-politician sa kanyang Facebook noong Miyerkules, June 20, kung kailan ginunita niya ang kanyang ika-apat na taon sa loob ng piitan.

Sa ulat ng CNN Philippines ngayong araw, June 22, inihayag ni PNP spokesperson Senior Supt. Benigno Durana na mahigpit na ipinagbabawal sa isang detainee ang pagkakaroon ng mobile phone.

Nakumpiska ang mobile phone ni Bong sa isang surprise inspection ng Headquarters Support Service (HSS) sa loob ng PNP Custodial Center.

Ang HSS ay ang unit na nangangasiwa sa kulungan kung saan nakaditena si Bong.

Dagdag ni Durana, "An investigation is being conducted by HSS to determine the circumstances surrounding that apparent breach of regulations, despite unannounced inspections of all the cell blocks at least twice a week."

Mananagot din umano kung sinuman ang sangkot sa violation ng dating senador.

Samantala, narito ang kabuuang pahayag ni Bong na deleted na sa kanyang Facebook account at press time:

"Today is exactly my 4th year in prison.

"This is 4 years away from my family; missing out on the milestones to my children’s lives; 4 long years that I can no longer get back.”

"May mga panahon na dumating sa akin na talagang gusto ko na sumuko. Pagod na rin po ako. Pagod na pagod na...

"Ganunpaman, higit akong kumukuha ng lakas ng loob sa inyo at ibayong tiwala sa Panginoon na matatapos na rin naman lahat nito.

"Dalangin ko pa rin ang katarungan. Dasal ko pa rin na mangibabaw na ang katotohanan. Hangad ko na sana, sa wakas, makamit ko ang hustisya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Let us all continue to pray together! God is good!"

June 7, 2014 nang pormal na magsampa ang Office of The Ombudsman ng kasong plunder laban kina Senator Revilla, Senator Juan Ponce Enrile, at Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan.

Sa kanilang tatlo, lumalabas na si Senator Revilla ang diumano’y may pinakamalaking tinanggap na kickback (P224,512,500) mula sa pakikipagtransaksiyon sa tinaguriang pork barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.

READ: Bong Revilla, ginugunita ang ika-apat na taon sa piitan; umaasa pa ring makamit ang hustisya


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN