Kris Aquino on empathy for Joshua Garcia, Julia Barretto: "Yung buhay nila, mirror ng buhay ng mga anak ko."

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino explains her empathy for her I Love You, Hater co-stars Joshua Garcia and Julia Barretto: "Yung buhay nila, mirror ng buhay ng mga anak ko kaya kuhang-kuha ko."


Base sa kasabihang Pinoy na, “Makikilala mo ang tunay mong kaibigan sa panahon ng kagipitan,” aminado si Kris Aquino na sa mabibigat na mga pinagdaanan niya sa buhay sa ngayon ay dito niya napatunayan kung sinu-sino sa kanyang mga kaibigan ang nanatili at di nang-iwan sa kanya.

Sa presscon ng I Love You, Hater noong nakaraang June 18 na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, dalawang pangalan ang binanggit ni Kris bilang patunay ng pagiging totoong kaibigan ng mga ito sa kanya.

Ito ay sina Kim Chiu at Erich Gonzales.

Sabi niya, “That’s why alam ninyong lahat that I will fight and I will really make sure talaga to do everything for Kim Chiu and Erich.

“Alam ninyo yun. Alam ninyo na ganun ang pagmamahal ko sa dalawa.

“Sila pang concerned parati, sila yung una talaga.

“Buti itong dalawang ito, sabi ko, 'Wow! May natanim pala talaga ako with them.'”

REKINDLED FRIENDSHIP WITH JM. Nabanggit din ni Kris na na-rekindle ang dating pagkakaibigan nila ng nagbalik-telebisyong aktor na si JM de Guzman, matapos ng kanyang rehab program.

Kuwento niya, “Nag-reconnect kami ni JM de Guzman.

“He was my friend from way back, ni-like niya yung isang picture.

“I don’t know why I saw na ni-like niya yung isang picture.

“Finollow ko siya para ma-direct message ko siya at kinumusta ko siya and I said, 'I’m so proud of you. I’m so proud.'

“And then sabi niya, 'Coming from you, thank you ha, pero kasi ikaw ang mas nakaka-proud.'

“Parang sinabi ko na, 'Kailangan mong pagdaanan ang rock bottom siguro para malaman mo kung ano ang piangdadaanan nung mga kailangang mag-survive.'

“I have a new respect for survivors.”

Nabanggit din si Luis Manzano, na ayon kay Kris ay hiningan niya ng dispensa dahil pumanig siya sa Team Angel nang mag-break sina Luis at Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Luis ay saludo din si Kris sa respeto at pagkakaibigan na binigay sa kanya ng mag-asawang Direk Paul Soriano at ang asawa nitong si Toni Gonzaga.

RESPECT FOR JOSHUA AND JULIA. Napalapit din daw si Kris sa dalawang co-stars niya sa I Love You, Hater na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ayon kay Kris, ang malalim na pagmamahal ng dalawa sa kanilang mga magulang ang lalong nagpataas ng respeto niya para sa magkapareha at para makabuo ito ng espasyo sa puso niya.

Patuloy niyang kuwento, “Kasi, unang kuwento pa lang ni Josh, I cried.

“Naawa talaga ako, kasi it’s one thing... I’m sorry to bring up his story, but you all know it...

“It’s one thing na your parents split up and your mom left, di ba?

“But it’s another na may kapatid ka at yung kapatid mo ang sinama at ikaw yung naiwan.

“Super nung nakuwento niya sa akin, sabi ko, 'What this boy has to go through.

“Parang sabi ko, I am not judging his mother, I don’t know what his mother went through...

“But as a mom with two boys, I can understand kung bakit ganun kasakit, and kung bakit siya ganun ka-loyal sa tatay niya.

“Yung kay Julia kasi iba, kasi super nagkakaintindihan kami, kasi she just loves her mom so much at ramdam na ramdam ko yun.

“Yung talaga in every conversation we had, I had to text Marj and say, 'You are so blessed because your daughter is willing to die for you.' Dun ako bumilib.

“That’s why they won me over because mahal na mahal ni Josh ang dad niya for very understandable reason, at si Julia ganun naman sa mom niya—again for a very understandable reason.

“Yung buhay nila, mirror ng buhay ng mga anak ko kaya kuhang-kuha ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto lang naman nila na pakinggan mo sila and siguro nandun na ako sa age na kayang-kaya kong makinig.

“Di ba, Julia said all she wants was someone who understands and someone who will listen to her?

“For many scenes, I feel in between those scenes, I was able to let her bring it out kasi you all notice for the sake of peace, tatahimik ka.

“Nandun ako para makinig, and they trust in the sense na alam nila kung anuman ang mga nasabi nila sa akin, di ko na isye-share sa inyo, because that’s also the trust my children gave me, so I’m not gonna break that trust.

“I just really like the two because you don’t have talent like that na pinupulot mo.

“Sobrang galing ng dalawa and I don’t say that dahil nagpu-promote kami.

“Kasi, 1) di ako co-producer nito and, 2) I don’t know if I will work with them again.

“But genuinely, the two have so much depth and ang sipag nila to learn more.”

SETTLEMENT WITH JAMES. Sa naturang presscon ay nabanggit din na mahigit 40 million pesos pala ang naging parte ng estranged husband ni Kris na si James Yap noong ma-annul ang kanilang kasal.

Present ang anak na si Bimby sa presscon at nakitang nag-cheer ito para sa kanyang ina.

Tinanong si Kris kung alam ni Bimby ang nangyari, kabilang na nga ang settlement amount na napunta sa ama noong mapawalang bisa ang kasal ng kanyang mga magulang.

Lahad niya, “He [Bimby] was six [years old] when he had to go to court.

“When you are six, you will remember and that’s all I have to say about that.

“But I told him and may I clarify this, this is the last time I'll say, 'Honey, times 10 na yung kinita natin, so ibalato mo na.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More pa. Ayoko na lang magyabang, baka sabihim ninyo, 'Oh my God, ang yabang niya,' pero hindi.

“Hindi pa yan ang binayad ko sa tax sa loob ng isang taon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN