Garie Concepcion reacts to 'mukhang tsimiaa' comment of basher: "It was uncalled for."

IMAGE @garie_concepcion on Instagram

Garie Concepcion reveals that she has been a victim of name-calling ever since she started in showbiz, but has now learned the "art of deadma."


Ipinaliwanag ni Garie Concepcion kung bakit nag-react siya sa komento ng isang basher na siya at ang inang si Grace Ibuna ay mukhang “tsimiaa” o kasambahay.

Si Garie ay anak ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion kay Grace, isang businesswoman.

Noong nakaraang linggo, nag-post ng Father’s Day greeting ang half-sister ni Garie na si KC Concepcion para sa ama nilang si Gabby.

Sa comments section, dalawang netizens ang nag-away at isa sa kanila ay tinawag na “mukhang tsimiaa” si Garie at ang ina nito.

Sumagot si Garie at nakiusap na huwag idamay ang kanyang ina.


Stories We Are Tracking

Garie answers basher who called her mom
Garie answers basher who called her mom "mukhang tsimiaa"

Sa pamamagitan ng private message sa Instagram, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Garie noong June 22, Biyernes, para kunan ng reaksiyon.

Kinabukasan, June 23, Sabado ng gabi, sumagot si Garie.

Ano ang reaksiyon niya nang tinawag siyang “mukhang tsimiaa?”

Sagot ng singer-actress, “Madami na po akong naririnig about me even in the past, pero nag-react po ako, hindi po para sa sarili ko but for my mom.

“It was uncalled for and my mom doesn’t deserve to be called names.

“Hindi po siya showbiz.

“She was more into politics and is more into business now, just how she was ever since.”

Paano niya tinatanggap ang mga ganitong pamba-bash kung saan idinadamay pati ang kanyang ina?

Ayon kay Garie, “Usually po talaga, hindi ko pinapansin yung mga ganyan, especially if ako lang yung naba-bash…

“But this time, I reacted because it was my mom na. That person tagged me pa so lumabas sa notifications ko.”

Pagpapatuloy ng dalaga, “Nung una po, nung nag-i-start pa lang ako, masakit talaga.

"Pero ngayon, we learned the art of deadma. Haha!

“Mas nagagalit po si Mommy noon kesa sa akin, pero ngayon hindi na rin.

“Minsan hindi na rin siya nagbabasa or nagre-react.”

RELATIONSHIP WITH DAD GABBY. Ang pagtawag ng “mukhang tsimiaa” kay Garie ay nagsimula nang i-tag siya ng isang netizen sa Father’s Day post ni KC via Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marahil ay inakala ng netizen na hindi maganda ang relasyon nina Garie at Gabby.

Pero paglilinaw ni Garie, “Okay po kami ni Papa. Hindi kami madalas magkita but we text naman po.”

Binati rin daw niya si Gabby noong Father’s Day.

“Actually, madami pong nag-akala na hindi ako nag-post.

“Nag-post ako, but on my IG Story.

“There was one for him, my stepfather who passed, and my mom—she was mother and father to me and my siblings.”

Ang stepfather ni Garie ay si former Negros Occidental Representative Ignacio “Iggy” Arroyo Jr., na pumanaw noong January 2012.


Stories We Are Tracking

<strong>(UPDATED) </strong>Negros Occidental Congressman Iggy Arroyo is dead
(UPDATED) Negros Occidental Congressman Iggy Arroyo is dead
Wife Alicia Arroyo and partner Grace Ibuna both grieving over Congressman Iggy Arroyo’s death
Wife Alicia Arroyo and partner Grace Ibuna both grieving over Congressman Iggy Arroyo’s death
Garrie Concepcion says Congressman Iggy Arroyo was like a real father to her; denies mom Grace Ibuna only wants money
Garrie Concepcion says Congressman Iggy Arroyo was like a real father to her; denies mom Grace Ibuna only wants money
Aleli Arroyo and Grace Ibuna snub each other at Congressman Iggy Arroyo’s wake in Negros Occidental
Aleli Arroyo and Grace Ibuna snub each other at Congressman Iggy Arroyo’s wake in Negros Occidental

Kamakailan ay nagkaroon ng guest appearance si Garie sa ABS-CBN prime time series na Bagani at magbibida sa upcoming indie movie na The Lease, kasama si Ruben Maria Soriquez.

Napanood din si Garie sa Kapamilya teleserye na La Luna Sangre.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN