Kris Aquino comes to Erich Gonzales's rescue after severe asthma attack

IMAGE Courtesy: @krisaquino on Instagram

Itinuturing ni Erich Gonzales na isang malaking utang na loob ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ni Kris Aquino. Hindi raw ito matutumbasan ng mga salita ng pasasalamat.


Malaki ang pasasalamat ni Erich Gonzales kay Kris Aquino dahil itinuturing siya nitong bahagi ng kanyang pamilya.

Kahapon, June 24, inatake ng severe asthma si Erich habang nasa taping ng pinagbibidahan niyang afternoon drama series sa ABS-CBN, ang The Blood Sisters, sa Bulacan.

Nang malaman ito ni Kris, kaagad siyang bumiyahe papunta sa Bulacan upang sunduin ang itinuturing niyang "other panganay." 

Sa bahay rin muna niya pinatulog si Erich.

Bahagi ng post ni Kris sa Instagram, “Patulog ako & saw naman my other panganay'- sent me message, na ER in Bulacan while taping Blood Sisters.

"Severe asthma naman. I insisted for her to stay w/ us 1st para at least mabantayan ko silang sabay—Kuya & @erichgg. On my way to pick her up...”

Ilang oras ang nakalipas, nag-post si Kris ng larawan kasama sina Bimby at Erich.

Mensahe ni Kris sa caption, “Patient number 2 @erichggtook her medicines & is ready to sleep—sorry yung dapat magbantay mas mahaba ang tinulog na siesta than her.”

Sa comments section, isang mahabang mensahe ng pasasalamat ang sinagot ni Erich sa post ni Kris.

Saad ng Kapamilya actress, “Ate Kris, you’re the busiest person I know and still you made time and so much effort to take care of me.

"Thanks to you, my family’s worries were lessened because you love and treat me as your own.

"Mama, Ate and Kuya… they’re beyond grateful to you for your kindness, generosity and most especially for rushing to my side in time of ill health to be my family.

"All your love, effort and thoughtfulness made my healing process the most comfortable that it could possibly be. Words aren’t enough, but you are truly the sweetest.

"I’m blessed to have you in my life. Thank you very much, Ate Kris. I love you @krisaquino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Malalim ang pundasyon ng pagkakaibigan nina Kris at Erich.

Dahil nga sa pagiging matalik na pagkakaibigan nila, kay Kris unang inamin ni Erich at ng dati nitong boyfriend na si Daniel Matsunaga ang kanilang relasyon noong 2015 sa programang Kris TV sa ABS-CBN.


Stories We Are Tracking

<p>Erich Gonzales reveals finding a real friend in Kris Aquino&l

Erich Gonzales reveals finding a real friend in Kris Aquino&l

<p>Daniel finally confirms relationship with Erich</p>

Daniel finally confirms relationship with Erich



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN