Alex Gonzaga on handling negative comments: "Uulit-ulitin ko lang siyang basahin hanggang sa ma-immune ako."

IMAGE @cathygonzaga on Instagram

Alex Gonzaga enjoys vlogging because "Finally, I get to be myself and no one will judge."


Isa si Alex Gonzaga sa mga artistang mabilis na nakilala sa mundo ng vlogging sa YouTube.

Mag-iisang taon pa lamang ang kanyang channel sa susunod na buwan, pero mayroon na itong mahigit isang milyong subscribers.

Ang kanyang video na na-produce ay nasa 40 pa lamang, ngunit mayroon na itong 62 million views.

Sa pamamagitan ng vlogging, mas naipakikilala raw ni Alex ang kanyang sarili sa kanyang mga masugid na tagahanga.

“I’m happy kasi, finally, I get to be myself and no one will judge,” sabi ni Alex nang makausap siya ng entertainment reporters kamakailan.

NEGATIVE COMMENTS. Ganunpaman, katulad ng karansanan niya sa ibang social media platforms, hindi pa rin nakaiwas si Alex sa mga negatibong komento ng ilang tao tungkol sa kanya.


Stories We Are Tracking

Alex Gonzaga opens life to the public via her own vlog
Alex Gonzaga opens life to the public via her own vlog
Alex draws flak for
Alex draws flak for "Japan, Japan sagot sa kahirapan" post

Pero hindi na raw niya ito binibigyang-pansin ngayon.

“Kapag may bagong comment... may mga naiimbento kasi sila na mga bagong sasabihin, mahe-hurt ka.

“Pero na-realize ko kasi, if you believe yung sinabi nila, kahit one percent lang dun, yun ang magiging affected ka, e.

“Pero if you don't believe in them, sa kung ano ang sinasabi nila, yun, puwede kang hindi masaktan.

“Pero ako, kunwari nasaktan ako sa sinabi, uulit-ulitin ko lang siyang basahin hanggang sa ma-immune ako.”

Napansin din daw ni Alex na mas madaling mawawala ang pakiramdam niya sa mga negatibong komento kung hindi niya ito sinasagot.

“Minsan kaya lang siya lumalaki, na-realize ko, kapag sinasagot mo.

“Pero once na hindi mo sagutin, makikita mo na mas marami pa rin naman talaga yung nag-a-appreciate, nagla-like.

“Kapag yung dislikes dumami na kaysa sa likes, yun parang maba-bother ka.

"Pero so far, parang okay pa naman."

Sa ngayon, mas gusto lang daw ni Alex na pagtuunan ng pansin ang magiging komento ng mga taong malapit sa kanya.

“Mas nasasaktan ako sa mga comments ng taong kilala ko. Yun ang nagma-matter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag sinabi talaga ng daddy ko na mali o ng ate ko na mali yung ginawa mo, ayun, mas affected ako,” sabi niya.


Stories We Are Tracking

Toni comments on sister Alex's controversial vlog with BF
Toni comments on sister Alex's controversial vlog with BF


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN