Ai-Ai delas Alas asks IG followers to respect other religions, beliefs

IMAGE Noel Orsal

Napapanahon ang paalala ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang followers sa Instagram tungkol sa paggalang sa isa't isa anuman ang kanilang relihiyon at pinaniniwalaang Diyos.


Hinikayat ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang followers sa Instagram na respetuhin ang kinagisnan nilang paniniwala sa Diyos at kinalakihang relihiyon.

Hindi raw kailangang maliitin ang ibang relihiyon kung hindi ka naniniwala rito at sa pinaniniwalaan nilang Diyos.

Mensahe ni Ai-Ai sa post niya ngayong Martes, June 26:

“Everyone must be conscious and respectful when talking about other people’s religion...

“Insulting someone else religion is insulting something meaningful to them...

“You don’t have to agree with other people’s religion and their beliefs but you don’t need to disrespect them…

“All religion, beliefs, and culture deserves the same amount of respect even if they are different from your own. God bless #respect #proudcatholic.”

Kalakip nito ang larawang may nakasulat na "Proud to be Catholic" at "Responsibility and respect of others and their religious beliefs are also part of freedom.”

Hindi malinaw sa post ng Papal awardee kung may pinariringgan siya o paalala lamang ito sa mga tao na galangin ang paniniwala ng isa’t isa.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na "Stupid God" dahil sa creation story sa Bible.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN