Anne Curtis denies she's pregnant

IMAGE Noel Orsal

Pinagtawanan lamang ni Anne Curtis ang komento ng netizen tungkol sa kanyang lumalaki raw na tiyan. Hindi raw totoong buntis siya kundi naparami lamang ang kain niya ng egg tarts.


Busog lang.

Ito ang paliwanag ni Anne Curtis sa isang netizen na nagsabing mukha siyang buntis sa isang larawang in-upload ng kanyang hipag na si Solenn Heussaff sa Instagram ngayong Martes, June 26.

Kasama rito ng dalawang aktres ang kanilang mga mister na sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico, at ang mga magulang nina Solenn at Erwan.

Kuha ang nasabing larawan sa bansang Portugal.

The Heussaffs . Sorry bebe hahaha

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

Komento ng netizen na may handle name na @mrs_abigail_brown, "I think she is preggy. She will announce it on her concert. Happy for you Anne."

Sumagot naman kaagad ang It's Showtime host sa komento ng netizen.

Sabi ni Anne, "No. I’m not pregnant. It’s just the angle. And also all the egg tarts I ate."

Makikita sa post ni Anne sa kanyang Instagram account ang larawan kung saan hawak-hawak niya ang isang "Pastel de Nata" o egg tart.

Pastel de nata. A must try in Portugal. Worth the deadly calories. ??

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Ayon naman sa netizen, walang problema kung mabuntis si Anne dahil may asawa na ito.

Ngunit mukhang nasira raw niya ang plano ni Anne na ipaalam ito sa publiko sa kanyang concert na Anne-Kulit, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa August 18.


Ikinasal sina Anne at Erwan noong November 2017.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN