Angel Locsin asks fan to stop criticizing Liza Soberano in upcoming Darna remake

IMAGE Noel Orsal

Angel Locsin (left) appeals to a fan to stop bashing Liza Soberano (right). Liza will star in an upcoming film remake of Darna, a role Angel played in GMA-7 TV series in 2005. 


Nakiusap si Angel Locsin sa isa niyang fan at follower sa Instagram na tigilan na ang pambabatikos at pagkuwestiyon kay Liza Soberano sa magiging performance nito sa remake ng Darna.

Nauna nang ginampanan ni Angel ang iconic role na ito sa isang 2005 TV series noong nasa bakuran pa siya ng GMA-7.

Si Liza naman ay naghahanda para sa bagong film remake ng Darna, sa ilalim ng direksiyon ni Erik Matti. 

Noong isang linggo, nag-post si Angel sa kanyang IG wall ng video habang nagti-training ng knife fighting.

Nakalagay sa kanyang caption, "Day 2 @jfmasicampo #TheDoc #knife."

Day 2. @jfmasicampo #TheDoc #knife

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Makikita sa video ang husay ni Angel sa paghawak ng patalim at ang mabilis nitong galaw sa offense at defense routine na animo’y hindi nagdaan sa isang maselang back injury.

Ito ang naging basehan ng isang follower ni Angel upang mag-comment na umaasang si Angel pa rin ang mag-Darna.

Kalakip ng comment nito ay ang pambabatikos sa kakayahan ni Liza na mag-Darna.

Ayon sa comment ng netizen na may username na @jason.sagun, “ikaw na lang po sana nag Darna ms @therealangellocsin kaya mo din pala mag action ngayon sayang lang po yung pinalit pa sayo lampa pa wala pang napatunayan kahit sa bagani ang lamya kumilos.”

Ang tinutukoy ng netizen na Bagani ay ang kasalukuyang prime time series na pinagbibidahan ni Liza, katambal si Enrique Gil.

Agad na sumagot si Angel sa comment at ipinagtanggol si Liza.

Aniya, “not true. she [Liza] can do action scenes really well.”

Kasunod nito ay hiniling ng Kapamilya star na tigilan na ang pamimintas kay Liza.

“Sana stop na to. Thanks.”

Isa pang follower ni Angel ang nag-comment at inakalang ang mga eksena sa video ay training ni Angel para sa Darna.

Komento ng IG user na si @kangela_m, “Bravo Darna @therealangellocsin”.

Nilinaw naman ng 33-year-old actress na para ito sa ibang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Angel, “This is not for Darna.”

Ang training na ito ni Angel ay para sa bagong teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN, ang The General’s Daughter. 

Dito ay makakasama niya sina Paulo Avelino, JC de Vera, at Arjo Atayde.


Stories We Are Tracking

Here's how Angel Locsin started training for TV comeback
Here's how Angel Locsin started training for TV comeback
Meet Angel Locsin's male co-stars in <em>The General's Daughter </em>
Meet Angel Locsin's male co-stars in The General's Daughter
Angel Locsin, Paulo start action training for new teleserye
Angel Locsin, Paulo start action training for new teleserye


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN