Dingdong Avanzado falls victim to theft in the U.S.

IMAGE @iamdingdong_a on Instagram

Dingdong Avanzado on recent theft incident that he experienced while in California, U.S.A.: "I'm better now. But there are times it just gets to me. I wonder why this thing had to happen pa?"


Na-trauma raw si Dingdong Avanzado sa naranasang pagnanakaw ng ilang mahahalagang bagay sa kanyang sasakyan.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ipinaalam ng singer ang ginawang pagbasag sa bintana ng kanilang sasakyan upang manakaw ang ilang gamit sa loob nito.

Saad ni Dingdong, “Took me awhile to post. This is what caused me so much stress over the weekend.

“My body bag was stolen along with my wallet, drivers license, some cash and some credit cards.

“Thankfully, no one was hurt. Just felt a little bit traumatized by this incident.

“It really is sad that this has become more rampant in this day and age. wishing this won't happen to any of my friends and family.”

Sa comment section, nagpahayag din ng pagkadismaya si Dingdong dahil tila walang agarang aksiyon ang mga awtoridad sa lugar ng insidente.

Sagot niya sa komento ng aktor na si Xian Lim, “Thing is the authorities can actually track down who did it. The question is will they?

“It's such a common thing here nowadays that they won't even bother to apprehend the perp/s.”



Base rin sa comment ng asawa ni Dingdong na si Jessa Zaragoza, kasama nila ang kanilang anak na si Jayda nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon, mas maayos na raw ang pakiramdam ni Dingdong.

“I'm better now. But there are times it just gets to me. I wonder why this thing had to happen pa?” sabi niya sa PEP Troika member at talent manager na si Noel Ferrer, na nagpaabot ng pag-alala sa singer.



ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN