Pia Wurtzbach on being criticized for her weight: "I'm used to it already."

IMAGE Noel Orsal

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach says she is no longer affected by criticisms of others when it comes to her weight.


Lubos ang pasasalamat ni Pia Wurtzbach dahil tuluy-tuloy ang pagdating ng endorsements tatlong taon matapos niyang manalong Miss Universe.

“I feel very blessed na tuluy-tuloy pa rin ang pagpasok ng mga endorsements.

"And the endorsements that I do, I have already a good relationship with them,” masayang pahayag ni Pia sa press launch ng Aquafina Purified Drinking Water, na ginanap sa Glorietta Activity Center, Makati City, noong June 21, Huwebes.

Ngunit kaakibat ng pagdating ng mga biyaya sa kanya ay ang patuloy na pang-iintriga sa beauty queen-actress.

Katulad na lamang ng pagpuna ng ilang netizens sa kanyang timbang.

Mukha raw siyang tumaba siya sa pictures na napu-post sa social media.

Pero hindi na raw ito bago kay Pia.

“Ganun talaga. I’m used to it already,” sabi ng 28-year-old beauty queen.

“Kahit naman nung bago pa ako sumali [sa beauty pageant], parang nagiging topic naman palagi iyan.”

Hindi ba siya nasasaktan kapag sinasabihan siyang "tumaba"?

“Hindi na, okay na ako,” nakangiting sagot ni Pia.

DREAM ROLE. Pagkatapos ng kanyang reign bilang Miss Universe ay bumalik sa showbiz si Pia.

Bumida si Pia sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na Gandarrapido: The Revenger Squad kasama sina Vice Ganda at Daniel Padilla.

Pangarap naman daw niya ngayong magkontrabida sa isang acting project.

“Gusto kong maging kontrabida para maiba naman.

“I think that would be a challenge.

“People see me as Miss Universe.

“Maybe it would be nice to let them see another side of me na siguro drama puwede.”

Kaya ba niyang manampal ng kaeksena?

“Ewan ko kung kaya ko. Siguro kung si Direk Cathy ang nag-push sa akin, kaya,” sagot niya.

Si Cathy Garcia-Molina ang nagdirek ng My Perfect You, ang pelikula ni Pia katambal si Gerald Anderson na ipinalabas early this year.

Pinag-uusapan naman ngayon ang paggawa ng libro ni Pia tungkol sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN