Sue Ramirez dismayed with assumption she's a lesbian because of her haircut

IMAGE Instagram

Sue Ramirez shares her dismay on Twitter, over assumptions about her gender just because she decided to get a shorter haircut.


"Meaningless sht" ang deskripsiyon ni Sue Ramirez sa mga humuhusga sa kasarian ng isang tao, partikular na sa mga lesbian o tomboy.

Idinaan ni Sue sa kanyang tweets noong Lunes, June 25, ang pagkainis sa mga humuhusga sa LGBT.

May kinalaman ang usapin tungkol sa LGBT sa Kapamilya actress nang ibahagi niyang siya ay tinawag o tinanong kung siya ba ay isang lesbian.

Gamit ang Twitter handle na @suseann_dodd, sinabi ni Sue na walang masama sa pagiging isang lesbian.

Aniya, "I am not offended to be called or asked if I am lesbian.

"There's nothing wrong with being so.

"I just hate how people judge sexuality so easily nowadays. Stop assuming over meaningless sht."

Kasunod ito ng nauna niyang tweet ukol sa mga tanong na may kinalaman sa kanyang pixie haircut:

Monday madness ?? . . . Thank you, @jingmonis , i love you ♥?

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

Sa sumunod na tweet ni Sue, hindi niya itinanggi kung siya ay lesbian o hindi, ngunit balik-tanong niya, masama ba kung totoo?

FRIENDSHIP WITH MARIS. Hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot sa lesbian issue ang Kapamilya actress. 

Noong nakaraang buwan, naging item silang dalawa ni Maris Racal, co-star niya sa nagwakas na teleseryeng Hanggang Saan sa ABS-CBN.

Pinagdudahan ng ilang netizens ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

May mga post sina Sue at Maris sa social media ng kanilang bonding moments, at nabahiran ng malisya ang kanilang friendship.

Miss you, busy girl ♥? © @alco_guerrero for the photo

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

Nilinaw at ipinagtanggol na ni Maris ang closeness nila ni Sue, sa pamamagitan ng pagsagot niya sa isang follower sa Twitter. 

Sinabi ni Maris sa comment na malapit lang sila sa isa’t isa ng kapwa Kapamilya star. 

Dagdag pa niya, nalagyan lang ng malisya ang kanilang posts dahil sa emojis na inilalagay nila sa caption ng kanilang photos.


Stories We Are Tracking

Maris Racal calmly denies lesbianism accusation
Maris Racal calmly denies lesbianism accusation

SUPPORTERS. Umani naman ng suporta si Sue mula sa marami sa kanyang followers:

@olaivarjr, “pag lalaki ang nagpa long hair, bakla agad.  Tapos pag babae nagpa-short hair, tomboy agad..Paano naman yung mga kalbo?? So wala na kaming gender??”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

@PoisonNiDarren, “My grandma (from my dad) told me that I’m tomboy just because I play football orf basketball or because I’m wearing sports things WTF? So many people ignorant here…”

@thealcopal, “long hair si Jesus at si john the baptist. Ibig sabihin, bading ba sila? Basura mode lang mga haters faggot sh..ters.”  

@ehlaona, “May masama ba sa pagiging lesbian?  Buhok na lang ba talaga ang basehan ng pagiging les.  Luh. Mema sila, Miss you sue.”

@AriaBounarotti, “kung saan ka masaya sa anong buhok mo, gora. Ignore those f..cking  stereotypes..that doesn’t mean lesbian kana sa ganyang buhok.  I know hw you feel kasi maiksi rin buhok ko..I love you, pretty @sueanna_dodd.”

Nabalitang may boyfriend si Sue dahil noong nakaraang taon ay na-link siya sa Boyband PH member na si Joao Constancia.  

Pero hanggang ngayon, wala pang direktang pag-amin ang aktres sa kanyang love life, kung tuluy-tuloy pa rin ba ang closeness nila ni Joao o may iba na uli itong dini-date. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN