Mariel Rodriguez on deal with husband Robin Padilla: "Kailangan ako lang."

IMAGE Instagram @marieltpadilla

Mariel Rodriguez on meeting Robin Padilla back when they were Wowowee co-hosts in 2010: "We really wanted him to stay kasi nakita namin na perfect siyang host dahil tanggap siya ng tao at genuine siya sa ginagawa niya. So, it is true that every day I wrote him a letter to stay, pero hindi ko sinasabi kung sino ako. Dinidikit ko sa dressing room niya para ma-feel niya kung gaano siya ka-welcome sa amin."


Aminado si Mariel Rodriguez, 33, sa history ni Robin Padilla, 48, na lapitin ng babae kaya isa lang ang kundisyon na ibinigay niya rito bago sila magpakasal noong 2010.

Pahayag ni Mariel, “First, he asked me kung meron daw bang kailangang kausapin.

“And then he laid down his cards.

"Sinabi niya, ‘Ganito ako. May mga anak ako. May pamilya akong sinusuportahan. Importante sa akin ang Mindanao.’

“Those are the things na I will always understand...

“Ang deal ko naman sa kanya, isa lang: Kailangan ako lang.”

Base ito sa panayam ni Mariel sa ABS-CBN morning show na Magandang Buhay ngayong Miyerkules, Hunyo 27.

HOW THEY MET. Nag-umpisang magkabutihan sina Mariel at Robin nang maging guest co-host ang huli sa defunct Kapamilya noontime show na Wowowee noong May 15, 2010.

Una pa lang ay nalaman na raw ni Mariel mula kay ABS-CBN executive Linggit Tan na may gusto si Robin sa actress-TV host.

Pero aminado si Mariel na sa dalawang linggong ipinamalagi ni Robin sa Wowowee ay pinapadalhan niya ito ng liham sa studio.

“We really wanted him to stay kasi nakita namin na perfect siyang host dahil tanggap siya ng tao at genuine siya sa ginagawa niya.

“So, it is true that every day I wrote him a letter to stay, pero hindi ko sinasabi kung sino ako.

“Dinidikit ko sa dressing room niya para ma-feel niya kung gaano siya ka-welcome sa amin.”

Kuwento pa ni Mariel, hindi lang siya ang nagpakita ng motibo noong panahong iyon.

“O di podium, may contestant. Bubulong, chuchuchu… Kung anu-ano ang pinagbububulong, tulad ng ‘Ang bango mo naman!’

“Habang may contestant, habang nagtatrabaho! So, si Mariel naman kinikilig siyempre, di ba?”  

Hindi raw niya akalaing mauuwi sa totohanan ang panunukso sa kanila ng mga katrabaho.

WHIRLWIND ROMANCE. Ngunit kahit makailang-beses siya nitong pinakilig sa noontime show, hindi raw agad naghayag ng damdamin si Robin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It wasn’t right away na nag-text siya nung wala na siya.

"So akala ko, 'A, okey, ganun lang pala yun.'

“E, biglang nag-text. Next scene, birthday ni Tita Linggit, sabi nila mag-stay ako. Yun pala, darating si Robin.”

Nang yayain siyang magpakasal ni Robin, hindi na raw nagpatumpik-tumpik pa si Mariel.

Aniya, “I really fell in love.”

Ikinasal sila sa isang Muslim ceremony sa Taj Mahal sa Agra, India noong August 19, 2010—less than three months mula nang magkatrabaho sila sa Wowowee.

Ngayon ay mayroon silang one-year-old daughter na si Maria Isabella.


Stories We Are Tracking

Robin Padilla dishes out sex life with wife Mariel Rodriguez
Robin Padilla dishes out sex life with wife Mariel Rodriguez


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN