Ellen Adarna's camp clarifies baby post; John Lloyd Cruz celebrates 35th birthday without fanfare

IMAGE Courtesy: PEP Source / www.newsgra.ph

Hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung nanganak na si Ellen Adarna sa Cebu. Samantala, tahimik naman ang selebrasyon ni John Lloyd Cruz ng kanyang ika-35 kaarawan noong Linggo, June 24.


Nagkagulo at nagkalituhan ang fans nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na nag-aabang kung nanganak na ang sexy star.

Noong Linggo, June 24, kasi ay may mga nai-post na larawan ng isang bagong silang na sanggol ang mga kaibigan ni Ellen sa social media.

Ngunit wala silang inilagay na detalye kung kaninong anak ang sanggol.

Kumalap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng impormasyon tungkol dito mula sa ilang sources sa Cebu at sa mga kakilala nina Ellen at John Lloyd.

Ngunit walang makapagkumpirma kung ang sanggol na nai-post sa Instagram ay anak ng dalawa.

Nitong Martes ng gabi, June 26, sa isang Twitter post ng malapit na kaibigan ni Ellen, may nagtanong sa kanya kung ang karga ba niyang bata ay anak ng dalawa.

Sagot nito, anak daw ito ng kanyang kapatid at hindi sa dating Home Sweetie Home stars.

Minarapat naming burahin ang account names nila upang maprotektahan ang kanilang privacy.


Ang iba pang fans naman ay tila hindi na makapaghintay na masilayan ang anak nina Ellen at John Lloyd.

Huling namataan ng publiko ang dalawa noong June 16 sa isang Chinese hospital sa Cebu kung saan nagkaroon daw ng routine check-up si Ellen.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna spotted with John Lloyd Cruz at Cebu hospital
Ellen Adarna spotted with John Lloyd Cruz at Cebu hospital

Noong June 24 naman ay ipinagdiwang ni John Lloyd ang kanyang ika-35 kaarawan.

Ngunit tahimik lang ang naging selebrasyon ng aktor ng kanyang kaarawan sa Cebu.

Noong Lunes, June 25, ay hindi na naman nakadalo si Ellen sa pagdinig para sa Anti-Cybercrime at Anti-Child Abuse complaints na isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Myra at Roel Santos, mga magulang ng teenager na inakusahang "paparazzi" ng sexy star.

Dito ay kinumpirma ng abugado ni Ellen na si Atty. Rebo Saguisag na nagdadalantao ang sexy star at "medyo difficult" daw ang pagbubuntis nito.

Hindi raw pinayagan ng kanyang doktor na magbiyahe si Ellen, na kasalukuyang nasa Cebu.

Ngunit noong nakaraang buwan lamang ay namataan sina Ellen at John Lloyd na nagbabakasyon sa Amanpulo, Palawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasahang anumang araw ay isisilang na ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints
Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints
Ellen Adarna no-show at first hearing of cases against her
Ellen Adarna no-show at first hearing of cases against her
Ellen Adarna flaunts baby bump in Amanpulo
Ellen Adarna flaunts baby bump in Amanpulo


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN