Brunei-based businesswoman Kathy Dupaya slams Sunshine Cruz: "Wala siyang puso."

IMAGE @sunshinecruz718 on Instagram / Noel Orsal

Brunei-based businesswoman Kathy Dupaya has filed libel cases versus celebrities, including Sunshine Cruz, for allegedly tainting her reputation. "Sinira nila buhay ko pati pangkabuhayan namin," Dupaya says.


Muling naghayag ng saloobin ang Brunei-based businesswoman na si Kathelyn “Kathy” Dupaya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bilang reaksiyon sa mga akusasyon ng ilang artista laban sa kanya.

Ang mga celebrity na ito ay sina Ynez Veneracion, Sunshine Cruz, Ara Mina, at ang perfume magnate na si Joel Cruz.

Ito ay kaugnay ng akusasyon ng mga celebrity na hindi umano tumupad si Kathy sa kanilang usapang ibigay ang interes at ibalik ang investment money nila sa kanyang mga negosyo.

Una nang nagsampa ng kasong estafa si Joel laban kay Kathy sa Department of Justice sa Quezon City noong May 24.

Sabi ni Joel, nabigo siyang mabawi mula kay Kathy ang investment niyang nagkakahalaga ng P40 million.

Sa kanya namang Facebook post noong ding Mayo, inakusahan ni Sunshine si Kathy ng character assassination dahil sa pagpapatawag nito ng press conference para magsalita laban sa kanya sa halip na makipag-usap nang pribado.

Nagbabala rin si Sunshine kay Kathy na magkita na lang sila sa korte.

Nagsampa naman ng cyber libel complaint si Ynez laban kay Kathy.

Sinabi ni Ynez sa kanyang interviews na hindi pa rin ibinabalik ni Kathy ang investment money niyang P260,000.


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz to Kathelyn Dupaya:
Sunshine Cruz to Kathelyn Dupaya: "Kita tayo sa korte."
Joel Cruz files PHP20-M libel suit against Kathelyn Dupaya
Joel Cruz files PHP20-M libel suit against Kathelyn Dupaya
Ynez Veneracion files cyber libel complaint vs businesswoman
Ynez Veneracion files cyber libel complaint vs businesswoman
Ara Mina speaks up on investment in Kathy Dupaya's business
Ara Mina speaks up on investment in Kathy Dupaya's business

KATHY FILES CASES. Sa kanyang pahayag sa PEP.ph, sa pamamagitan ng Facebook messaging noong Martes, June 27, sinabi ni Kathy na nag-file na siya ng kasong libelo laban kina Sunshine, Ynez at Joel.

Sa kanyang hometown sa Jolo, Sulu inihain ni Kathy ang kanyang reklamo laban sa mga ito noong June 6.

Nagpadala rin si Kathy ng kopya ng kasong violation of Tax Code of the Philippines na isinampa niya laban kina Sunshine, Ynez, at Joel sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

 



Paliwanag ni Kathy kaugnay ng kasong isinampa niya sa BIR, "Million ibinayad ko, wala akong natanggap receipt mula 2015.

"Need ng company ko yun for yearly report. Ilang beses na ako nag-request, hindi sila nagbigay." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag naman niya sa mga paratang ng mga artista laban sa kanya, “Inamin ko na po lahat sa presscon ang kulang ko sa kanila, kahit sa statement  ko.

“Pero di ko po matatanggap na tawagin ako scam or estafa, kasi po nabalik ko na po ang puhunan at kumita sila ng million sa akin."

SUNSHINE CRUZ. Sinabi ni Kathy na pinakanasaktan siya kay Sunshine na itinuturing pa naman daw niyang "BFF." 

“Si Sunshine, 2015 pa kami start; si Ynez, 2016.

“Sa tagal namin, kung gusto ko sila lokohin, dapat umpisa pa lang…

“Mga BFF ko sila. Nakinabang sila sa akin ng ilang taon.

“Bakit nila ako nilaglag, lalo na iyang Sunshine?

“Til now, di ko matanggap, lalo na pamilya ko, ang ginawa niya sa akin.”

Pagkatapos nito ay inilahad ni Kathy ang sama ng loob niya kay Sunshine.

“Nung walang-wala siya, ako karamay niya sa lahat.

“Napakasakit ng ginawa niya sa akin.

“Puwede naman nila ako kasuhan sa court nang tahimik. Bakit nila ako sinu-social media, 'tapos puro paninira?

“Sinira nila buhay ko pati pangkabuhayan namin.

“Hindi man lang niya naisip may mga anak ako at breadwinner ako sa pamilya ko, pati sa lola ko.

“Wala siyang puso.

“Nakita nila ang delay ko, pero ang nagawa kong mabuti, hindi nila nakita.

“Di na sila makakahanap ng kaibigan tulad ko magmahal sa kanila.

“Good luck na lang sa amin sa mga kasong isinampa nila at isinampa ko.”

JOEL & YNEZ. Inusisa rin ng PEP.ph si Kathy tungkol sa akusasyong may utang pa siya sa ibang mga artista. 

Pero sinabi ng negosyanteng wala siyang utang na P40 million kay Joel.

"Nakabayad ako sa kanya ng P17 M plus, nabalik ko ang US$100K. 

"Ang naibigay niya sa akin, P29 M plus lang. Lumaki lang dahil sa mga penalty at tubo every day. 

"Nung May 24, itinawag ko pa." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi rin ni Kathy ang pagkakautang kay Ynez. 

"Ynez is totally paid. Nagbayad ako full balance, May 22. 

"Nag-promise ako magbigay ng P60K bilang penalty ng delay pang-grocery.

"Dahil sa ginawa niya sa akin, bakit ko pa siya [bibigyan]?"

Himutok pa ni Kathy, "Lahat sila nabalik ko puhunan at kumita ng million.

"Totoo, may kulang ako. Nakiusap nga ako sa kanila na wait lang.

"Kahit wala pa bayad sa akin, nag-loan ako sa bank, benta mga property ko para bayaran ko sila." 

Nagkakaproblema lang daw siya sa negosyo, gaya ng ibang mga negosyante. 

Bukas ang PEP.ph sa panig nina Sunshine, Ynez, Joel, at iba pang pangalang nabanggit hinggil sa isyung ito.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN