Addy Raj reveals awkward encounter with Anne Curtis; wants to do a sexy scene with Kapamilya actress

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Addy Raj hopes to work and do a sexy scene with Anne Curtis: "If one day I would go that far, I would rather do it with Anne Curtis.


Dahil nagpakita na si Addy Raj ng kanyang abs sa Kapuso prime time series na Meant To Be at nagpaka-daring na rin sa Bench Under The Stars fashion show noong 2017, ready na raw siyang magpa-sexy sa kanyang mga next project.

“Well, you saw Bench, right? Well, actually, I will do that for a movie, not for teleserye,” sabi ni Addy.

Ano ang pinaka-sexy na puwede niyang gawin?

“Kahit di siya GMA [artist], pero I keep watching movies of Derek Ramsay. I would go as far as he goes. But for movies. 

"Puwede naman, kung yun ang gusto ng GMA, and I trust GMA naman. We’ll see.”

Isang Kapamilya star din ang gustong makasama ni Addy sa isang sexy scene. 

Kuwento ng Kapuso artist na isang Indian national, “If one day I would go that far, I would rather do it with Anne Curtis.

“Because, actually, siya ang unang celebrity na kilala ko sa buong showbiz.

“Kasi nung nagsimula ako sa kabila [ABS-CBN], I met Anne and I don’t have an idea who she was.

"And I asked her, 'Are you a host?' and she was like, 'Yeah.'

“And I Googled her and I was, like, 'Oh my god, who’s that?' And then... that's it.”

Ano ang sabi ni Anne sa kanya?

“Wala lang, tumatawa lang siya. Siyempre alam niya foreigner ako, naiintindihan naman niya.

"Pagkatapos nun, I watched so many movies, especially like Derek Ramsay and Anne Curtis, and I really like their movies.

“So I would love to work with her because of that.” 

KAPUSO ACTRESSES. Ang fellow Kapuso star at nakatrabaho ni Addy sa Meant To Be na si Barbie Forteza naman daw ang gusto niyang makatrabaho muli.

Bukod kay Barbie, nais din niyang makatrabaho ang mga Kapusong sina Sanya Lopez at Gabbi Garcia, kung sakaling mabibigyan siya ng solo teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s a really tough question," sagot ni Addy sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin kamakailan.

“But the thing is, I know that it’s not going to happen, but I would love to do a show with Barbie.

"I want Barbie because, first, kasi sa una close kami dahil sa sobrang tagal naming magkatrabaho.

"Sobrang naiintindihan niya yung situation ko," paliwanag ni Addy, na hindi pa bihasa sa wikang Tagalog.

"Minsan sa set, di ko naiintindihan yung instruction ni Direk and he would be, like, 'Addy, atras' and I’m be like 'What’s atras?' Barbie tells me if ano yun."

Kuwento pa ni Addy, “She really supported me. She was so patient with me and sobrang bait niya.

"And mas bata siya sa akin, pero sobrang-sobrang talented niya.

"I think I get to learn so much from her. Kahit sa pag-arte, sa working attitude, sa being on time.

“I mean, kahit isang beses, di siya late."

Ipinaliwanag din ni Addy kung bakit nais niyang makatrabaho sina Sanya at Gabbi.

"Kasi kasama ko sila sa Bench, so nagiging magkakaibigan din kami."

Rumampa sina Addy, Sanya, at Gabbi sa nakaraang Bench Under The Stars

Patuloy pa niya, “Siyempre kapatid ni Jak [Roberto] si Sanya, dahil diyan close din kami.

“Kay Gabbi, I think she’s really nice. 

"Kasi I met her for the first time sa Bench and we had a really long talk and she’s a really nice person."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN