Jolo Revilla confirms being in a "difficult situation" with Jodi Sta. Maria

IMAGE @jolo_revilla on Instagram

Amid alleged breakup with actress Jodi Sta. Maria, Cavite Vice Governor Jolo Revilla confirms in a text message that they are now experiencing a "difficult situation."


Inamin ni Jolo Revilla na may pinagdadaanan ang relasyon nila ni Jodi Sta. Maria.

Ito ay sa pamamagitan ng text message na ipinadala ni Jolo sa entertainment editor na si Ricky Lo at nailathala sa kanyang column na "Funfare" sa The Philippine Star nitong Miyerkules, June 27.

Hindi direktang sinagot ng Cavite vice governor ang napapaulat na diumano'y paghihiwalay nila ng ABS-CBN actress.

Pero sinabi nitong malaki ang naitulong ni Jodi sa kanya.

“She brings out the best in me.

“We may be in a difficult situation now but I’m thankful kasi madami akong natutunan sa relasyon namin.

“Anuman ang kinakaharap namin ngayon, I believe that God has a plan for us,” mensahe ni Jolo.

ALLEGED BREAKUP. Nagsimula ang usap-usapang breakup umano ng dalawa nang mag-post ng birthday greeting si Jolo para kay Jodi kamakailan, pero walang ginamit na term of endearment ang actor-politician para sa aktres.

Bago ito ay "love" ang tawag ni Jolo kay Jodi.

Pinasalamatan din ni Jolo ang Sana Dalawa Ang Puso star sa walong taon nila bilang magkasintahan.

Sa mga sumunod na araw, nag-post ng makahulugang tweets si Jolo na tila may pinagdadaanan ito.

Pero kalaunan ay nilinaw niyang hindi ito tungkol kay Jodi.


Stories We Are Tracking

Are Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria still together?
Are Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria still together?
Jolo posts cryptic tweet amid rumored breakup with Jodi
Jolo posts cryptic tweet amid rumored breakup with Jodi
Jodi Sta. Maria evades question about love status
Jodi Sta. Maria evades question about love status
Jolo Revilla:
Jolo Revilla: "Some people are real good at being fake."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN