Coco Martin downplays viral kissing video with Yassi Pressman

IMAGE Noel Orsal (left)/@September703 on Instagram

Coco Martin laughs  off viral kissing video with Yassi Pressman: "Hindi naman kiss yun. Ano lang yun, beso-beso lang yun... Nabigyan lang ng malalim na kulay. Kasi siyempre, alam niyo naman ang mga fans..."


Binigyang-linaw ni Coco Martin ang viral kissing video nila ni Yassi Pressman.

Natanong ang Kapamilya actor tungkol dito matapos ang preescon proper para sa launch ng bago niyang TV commercial, ang King Cup Sardines, kagabi, June 28.

“Hindi naman kiss yun. Ano lang yun, beso-beso lang yun.

“Alam niyo naman, siyempre lahat kami nagbabasa,” nakangiting sabi ni Coco.

Ang naturang video ay kuha sa loob ng isang waiting area sa set ng FPJ's Ang Probinsyano.

Nagkaroon ito ng iba-ibang version dahil sa pagkaka-edit ng ibang fans kaya ang dating ay parang naghalikan ang dalawang Kapamilya stars.

Sabi pa ni Coco, “Nabigyan lang ng malalim na kulay. Kasi siyempre, alam niyo naman ang mga fans...”

Gayunman, ikinatutuwa ng aktor ang patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa tambalan nila ni Yassi sa Ang Probinsyano.

Aniya, “Nakakataba rin ng puso kasi siguro tinatangkilik nila yung Ang Probinsyano, yung tandem namin ni Yassi.

“Nakaka-proud kasi nagugustuhan nila.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

THE SHOW LIVES ON. Asahan daw na mas marami pang nakakakilig na eksena ang mapapanood sa long-running prime time series ng ABS-CBN.

Ayon kay Coco, “Mahaba-haba pa. Mahaba-haba pa ang kuwento.

“Sana subaybayan nila gabi-gabi kasi talagang ipinapakita namin dito sa pagkakakataong ito, sa istoryang ginagawa namin, ano ba yung stand ng mag-asawa na nagkasira at dahan-dahang binubuo.

“Alam mo yung prinoproseso talaga namin yung tamang proseso kung paano sila ulit magkakabalikan, mahuhulog ang loob nila sa isa't isa.”

Isang magandang pagkakataon din daw ito para ipakita sa kanilang masugid na manonood na hindi lamang puro aksyon ang Ang Probinsyano.

Aniya, “Ito yung pagkakataon para ipakita na yung Ang Probinsyano, hindi puro action, hindi puro drama.

“Kapag romance, romance. Kapag comedy, comedy.

“Kapag love story, alam mo yun, ibinibigay namin sa mga manonood.

“Gusto namin totoo yung pinapanood namin sa mga tao.”

Hanggang kailan pa eere sa telebisyon ang Ang Probinsyano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sagot ni Coco, “Hangga't gusto ng mga manonood.

“Hangga't may kuwento kaming maibibigay sa mga Pilipino, nandiyan pa rin kami.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN