Ai-Ai delas Alas clarifies IG post on religion not about President Duterte

IMAGE Arniel Serato

Ai-Ai delas Alas on President Rodrigo Duterte's "stupid God" comment: "Kanya-kanya naman tayo ng pagkatao so I won't judge anybody."


Nagpaliwanag si Ai-Ai delas Alas tungkol sa kanyang Instagram post noong Martes, June 26, tungkol sa relihiyon at ang pagrespeto sa paniniwala ng bawat isa.

Sa nasabing post ng Kapuso comedienne-TV host, hinikayat niya ang kanyang followers na respetuhin ang kinagisnan nilang paniniwala sa Diyos at kinalakihang relihiyon.


Stories We Are Tracking

Ai-Ai delas Alas: Respect other religions, beliefs
Ai-Ai delas Alas: Respect other religions, beliefs

Paglilinaw ni Ai-Ai tungkol sa kanyang post, “Dun sa Papal award ko, meron dun na nangako ako kay Lord na, ‘I should defend the church in any cause.’

“Kaya ganun. Nagising ako isang araw, nakita ko sa Facebook, andaming nag-aaway… kung anu-ano sinasabi dun sa mga pari, parang nasaktan din naman ako dun.

“Yun, nag-ano din ako na irespeto naman natin yung mga kaparian and anything about our religion.

“Kasi kanya-kanya naman tayong relihiyon, meron tayong iisang Diyos, so respect lang.

"Huwag naman nating masyadong bastusin ang paring Katoliko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ai-Ai delas Alas sa presscon ng The Clash, na ginanap sa isang events place sa Quezon City nitong Huwebes, June 28.

“I WON’T JUDGE ANYBODY.” Nilinaw rin ni Ai-Ai na wala siyang pinatatamaan sa kanyang post.

Mainit kasing pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa “stupid God” comment ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa creation story ng Bibliya.

Pagkaklaro ni Ai-Ai, “Generic yun, para yun sa lahat.

"Kasi nabasa ko nga sa Facebook, ang daming nag-away, kaya sabi ko, ‘Respetuhin naman natin ang religion ng bawat isa.’

“It’s generic. And tungkol yun sa faith ko.

"Di ba, nangako nga ako na... siyempre tutuparin ko yung pangako ko sa Panginoon na, ‘I should abide, ipagtatanggol ko ang simbahan.’

“Nandun kasi yun, e, nung nag-ano ako, nag-Papal award ako, nung in-award-an ako, may mga ganun.”

Sa tanong tungkol sa komento ng Pangulo, sabi ni Ai-Ai, “Siyempre naman, kanya-kanya naman tayo ng pagkatao, so I won’t judge anybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako puwedeng mag-judge. Si Lord lang ang puwedeng mag-judge.

"Sa Kanya kasi... tao lang din ako, makasalanan ako. Hindi ako puwedeng mag-judge, Siya lang.

“E, nangumpisal ako, yun din ang sinabi ng pari sa akin, huwag tayo mag-judge and magbasa daw ako ng Genesis… iyan yung simula… the Beginning.”

Ayon pa kay Ai-Ai, hindi na kailangan pang ipagtanggol ang Diyos dahil Siya naman ang nakatataas sa lahat.

Aniya, “Kailangan ko gawin yun kasi ipinangako ko sa Diyos yun, e.

"Pero tayo, hindi naman natin kailangan ni Lord ng pagtatanggol kasi Diyos siya, e.

“Kumbaga, ang pinagtatanggol ko ay ang Inang Simbahan na kinalakihan ko, kasi yun ay part sa ipinangako ko sa harapan ng Diyos.”

THE CLASH. Samantala, ang The Clash ay ang pinakabagong singing search ng Kapuso Network.

Tatayong host ng show ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Mga judge naman sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at ang Comedy Queen na si Ai-Ai.

Magsisilbi namang update hosts sina Andres Paras at Joyce Pring.


Ano ba ang hinahanap ni Ai-Ai sa isang contestant?

Tugon ng 53-year-old Kapuso star, “Ang hinahanap ko talaga ay hindi lang isang magaling na singer kundi, sabi ko, kailangan ang isang singer distinct ang boses niya para alam mo kaagad na kapag sumikat siya, alam mo na kanya yung boses na yun.

“And also kung paano siya tumayo sa stage, stage presence, and yung quality of the voice kasama din yun.

“Pero yung mga yun, teknikal yun, e.

"Kailangan talaga mapuso ka, yung passion ng pagiging singer mo makikita natin, mararamdaman sa stage.

“Yun yung mga hinahanap ko.”

Dagdag pa niya, mahalaga rin ang pagkakaroon ng X-factor ng isang contestant.

Sabi niya, “Ang X-factor, kasi minsan iba yung na-mesmerize ka habang nagpi-perform or may magnet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo yun may star quality na nama-magnet ka every time na nagpi-perform siya.”

Ayon pa kay Ai-Ai, magagaling at ang babata ng mga contestant sa The Clash kaya umaasa siyang makakahanap ng bagong star singers ang GMA-7.

Ang The Clash ay magsisimula na sa July 7 (pagkatapos ng Pepito Manaloto) at July 8 (after Daig Kayo ng Lola Ko).


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN