Vina Morales reacts to friend Rina Navarro being betrayed by ex-fiancé and female friend

IMAGE Instagram @thisisrinanavarro / Rachelle Siazon

Base sa palitan nila ng comments sa Instagram, sinabi ni Rina Navarro kay Vina Morales na mayroon siyang "video" na magpapatunay ng panloloko sa kanya ng ex-fiancé at ng hindi pinangalanang third party sa kanilang hiwalayan. Ipinaabot naman ni Vina ang kanyang suporta at pagmamahal sa kumare niyang si Rina. 


Ikinalungkot ni Vina Morales ang broken engagement sa pagitan ng kaibigan niyang si Rina Navarro at fiancé nitong government official.

Si Rina ay isang film producer at member ng Cinema Evaluation Board. 

Usap-usapan sa social media na ang fiancé ni Rina ay isang government official at ang ipinalit sa kanya nito ay isang aktres. 

Sa kanyang Instagram post noong June 23, inihayag ni Rina na nakakalap siya ng sapat na ebidensiyang may ibang babae ang kanyang ex-fiancé. 

Sinabi rin ni Rina na nagpasya siyang kalimutan na ang dating karelasyon sa kabila ng pagkakaroon nila ng anak at masayang pinagsamahan noon.

Dagdag ni Rina, “To all women out there please, wag kayo magtiis sa cheaters, may anak man kayo o wala.”

Kalakip ng Instagram post ni Rina ang isang blurred photo na pinaniniwalaang kuha niya kasama ang hindi pinangalanang babae na itinuring na kaibigan at diumano’y third party sa hiwalayan nila ng kanyang fiancé.

Ngunit hindi na pinangalanan ni Rina kung sino ang kanyang ex-fiancé at third party sa kanilang hiwalayan kamakailan. 

READ: Rina Navarro moves on from breakup with government official fiancé

Today, will be the last day that I will talk about you for this matter. I don’t want you to be famous at my expense in all truth. But I will do this not for anyone else but for me. I want to thank you, first of all because of you, I am happier now, and alot of things hidden from me unfolded. God is good, He made sure I saw things with my very eyes because He knows that I am very forgiving. Madalas mapagpatawad, pero mas madalas, tanga ako sa pag ibig. The relationship we had, was happy and simple. We had friends, we had a very supportive family, we have a son whom he adored so much. Nung pinakilala at pinasok kita sa buhay namin, our family was in a very happy state, we had so much plans,we were building our family, it may not be perfect but I know that we had something real, we had alot of happy times, masaya kami. I dont need validation from other people. But just so you know, I am forgiving and I am educated. I hope you can understand my stament. You can have translated in Tagalog incase mahirapan ka intindihin. I am ready anytime to face you, if you want to take that road. To all women out there please, wag kayo magtiis sa cheaters,may anak man kayo o wala. There is so much out there for you. Sometimes you just have to let go of the people you think you cannot live without- so you can find the happiness and love that you truly deserve. To all the men out there, I hope you will find it in your heart to stay faithful and loyal to the person you love and who loves you. Kung hindi kaya maging tapat, umalis na lang. Thank you everyone for sharing this pain with me. Its time for me, and for all of us to be happy. ??????

A post shared by R I N A N A V A R R O???????????? (@thisisrinanavarro) on

Samantala, isa si Vina sa celebrity-friends ni Rina na naghayag ng suporta rito. 

Sabi ni Vina sa comments’ section ng Instagram post ni Rina: “[Broken heart emoji] I’m here for you, deadma naman si blurred friend Mare…”

Sa sumunod na pahayag ni Rina, ipinahiwatig niyang may nakalap siyang “video” na diumano’y ebidensiya sa panloloko sa kanya ng fiancé at babaeng ipinalit nito sa kanya.  

Balik-sagot ni Rina kay Vina: “@vina_m,morales mars I love you salamat for standing by me thru all these.

"Eh syempre!!! Hindi siya aamin, No comment kasi sanay naman… and may video! Haha. So she will keep quiet :)”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa store opening ng Beautizone permanent makeup and pampering salon sa Upper McKinley Road sa Fort Bonifacio, Taguig City, kagabi, June 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay sinubukan ng PEP.ph na hingan si Vina ng karagdagang pahayag tungkol sa isyu.

Ngunit pag-iwas ng singer-actress, “Ay, ayoko. I don’t wanna say anything about it. I’m just here for her.”

Bilang kaibigan, ano ang ipinapayo niya kay Rina?

“No na… It’s their [personal problem]…

“Basta I’m here for her. She’s my kumare. I love her.”  


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN