Andre Paras echoes brother Kobe's post on being on their own

IMAGE Arniel Serato

Sinang-ayunan ni Andre Paras ang post ng kapatid na si Kobe Paras tungkol sa pagiging independent. Malalaki na raw silang magkapatid kaya alam na nila ang kanilang ginagawa.


Sinegundahan ni Andre Paras ang social media post ng kapatid na si Kobe Paras tungkol sa pagiging independent.

Sa post ni Kobe, sinabi niyang hindi siya dinidiktahan ng kanyang mga magulang na sina Benjie Paras at Jackie Forster sa mga desisyon niya sa buhay.

Aniya, “I control my life.

“Not my mom.

“Not my dad.

“I do.

“Everything I do is my decision & my choice.

“I don’t want to hear anymore fake news that my dad/mom chooses, controls, tells me what to do or say.

“Because this is my life and I live in a circle of consequences that I made.”


Stories We Are Tracking

Kobe Paras:
Kobe Paras: "I control my life. Not my mom. Not my dad."

Sinang-ayunan naman ito ni Andre.

Sabi ng 22-year-old Kapuso star, “I think this post is for the people na nagiging negative sa kanya na akala ang dami niyang sinasabi dahil kinu-control siya ng mga magulang namin, which is not true."

Ayon kay Andre, may sarili na silang pag-iisip ng kapatid at hindi na sila nadidiktahan ng kanilang mga magulang.

“I guess people think that our parents control us, tell us what to say, what to do, pero may kanya-kanya kaming buhay.

“We have our own voices so of course we can say what we want.

“So, I guess, Kobe is just pointing out whatever comes from him, it’s from him.

“Kumbaga, may nag-misinterpret ng interview niya.

"Di ba, lumabas yung dati, may nag-misinterpret, iniiba yung salita kaya nagmukha siyang masama.

“I think dun siya nagagalit.”

Dagdag pa ni Andre, mula noong bata sila ay hindi siya nakaramdam ng pagrerebelde dahil hindi talaga sila dinidiktahan ng kanilang mga magilang.

“Kasi ako yung kuya, kung kinu-control man kami, dapat sinasabi ko na the first time na, 'I don’t wanna live here and there…'

"Pero wala naman kaming bad blood with anyone or within the family.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa grand presscon ng The Clash kapahon, June 28, sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Andre at Joyce Pring ang tatayong co-hosts ng Asia’s Songbird Regine Velasquez sa show.

Magsisilbi namang hurado sa The Clash sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.


KEEPING FAMILY MATTERS PRIVATE. Nang maghiwalay ang mga magulang nina Andre at Kobe ay lumaki sila kasama ang kanilang stepmother na si Lyxen Diomampo.

At pagkatapos ng ilang taong hindi pagkakaunawaan ay nakipag-ayos na ang magkapatid sa kanilang ina na si Jackie nito lamang April.


Stories We Are Tracking

Jackie Forster recounts emotional reunion with Andre, Kobe
Jackie Forster recounts emotional reunion with Andre, Kobe
Jackie gets messages of support from fellow celebrity moms
Jackie gets messages of support from fellow celebrity moms
Jackie Forster wants to keep it real for sons Andre and Kobe
Jackie Forster wants to keep it real for sons Andre and Kobe
Jackie overwhelmed by bonding moments with sons Andre, Kobe
Jackie overwhelmed by bonding moments with sons Andre, Kobe

Aminado si Andre na parang nabunutan sila ng tinik sa dibdib ngayong nagkaayos na sila ng inang si Jackie.

Pero gusto raw nilang gawing pribado ang mga maseselang usapin sa bagong kabanatang ito ng kanilang buhay.

Saad niya, “As of this question, I’m happy, the whole world or everyone knows na okay na kami.

“We’re not fighting, wala naman kaming naririnig na comments na masasama… we’re all good.

“I guess when it comes to this personal matter, gagawin naming private as possible. Para naman iwas-misinterpretation.

"At least naman itong part ng life namin maging private lang and happy naman kami."

Wish ng maraming sumusuporta sa kanilang kasunod ng pagkakaayos nila ni Jackie, ang ina naman niya at ang amang si Benjie ang magkabati.

Pero wala raw siya sa lugar upang sumagot para sa ama.

Pahayag ni Andre, “Basta kami happy. And for him, I don’t want to answer for his part kasi, of course, it should come from him.

“And of course, when it comes to family matters like this, kung puwede, we will make it private as possible.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN