Kris Aquino dismisses alleged brewing romance with lawyer: "He's not interested in me."

IMAGE You Tube (The Aquinos) / Noel Orsal

Kris Aquino clarifies status of relationship with a lawyer-professor, Gideon Peña, after many of her supporters assume that a brewing romance is ensuing between them. "He's really a FRIEND-wag na natin gawing complicated..." says Kris. 


“He’s really just a FRIEND.”

Ito ang nilinaw ni Kris Aquino tungkol sa tunay na estado ng relasyon niya sa isang lawyer-professor sa gitna ng espekulasyong may namumuong magandang pagtitinginan sa kanila.

Ang tinutukoy na lalaki ay si Attorney Gideon Peña na professor din sa isang unibersidad.

Ngayong Biyernes, June 29, nagkomento ang isang netizen sa Instagram post ni Kris at sinabing masaya siya para sa host/actress/social media influencer.

Pero paglilinaw ni Kris, “He’s really a FRIEND-wag na natin gawing complicated…

"he deserves for the World to know he’s available & not interested in me in a romantic way.

"Because he should have options & not be a ‘victim’ of other people’s expectations-hence this reply."


HOW IT STARTED. Dalawang linggo na ang nakararaan, naging guest ni Kris sa kanyang online show na Unscripted With Kris si Atty. Peña.

Nagsilbing get-to-know-each-other ang naturang episode.

Kasunod nito, nagpalitan din sila ng comments sa kani-kanilang Instagram posts. 

Sa isang comment ay tinukso pa ni Kris ang abugado.

Noong nakaraang linggo naman, inihayag ni Kris na nagbibigay ng free legal advice sa kanya si Atty. Peña sa ilang endorsement deals niya.

Sinagot din ni Kris ang ilang supporters niyang umaasang magkaka-love life na siya.



Sa Instagram post ni Atty. Peña nitong Huwebes, June 28, na may caption na “Sana sa susunod na paglingon ay nariyan ka,” tinukso siya ni Kris kung para sa kanya ba ang caption na ito.

Sumagot ang abugado at sinabing wala siyang ibig pakahulugan, pero may private message siya kay Kris.



Nagpalitan din ng random comments ang dalawa sa recent post ni Kris.



 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN