Katrina Halili fires back at basher for resurrecting past scandal

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: @katrina_halili on Instagram

Matapang na sinagot ni Katrina Halili ang isang basher na nagpaalala ng madilim na pangyayari sa kanyang buhay noon.


Kahit naka-move on na ang lahat at unti-unti nang nakakalimutan ang madilim na yugtong ito ng kanyang nakaraan, may ilang pilit pa ring inuungkat ang masaklap na insidenteng ito sa buhay ng aktres na si Katrina Halili.

Sa throwback Instagram post ni Katrina kagabi, June 28, sinariwa ng Kapuso star ang kanyang pagiging calendar girl ng isang brand ng alak noong taong 2007.

Entry ko for #throwbackthursday #2007tanduaycal ???? tagal na, #tanduay

A post shared by katrina_halili (@katrina_halili) on

Ngunit sang basher ang nagkomento nang negatibo rito.

Ayon kay @summerificme, “Eto ba yung bago ang sex scandal mo?”

Hindi naman nagpatinag si Katrina sa nasabing basher.

Buwelta niya, “Walang bago. Yun pa din, watch mo…”

Dagdag pa ng The Stepdaughters star, “Wow ah… gumawa ng account para mambwisit, ikaw ang mabwisit sakin…”


Marami naman ang nagtanggol kay Katrina dahil sa komento ng nasabing basher.

Ngunit ayon sa aktres, hayaan na lang dahil hindi nararapat na pag-aksayahan ito ng oras.



Taong 2007, nasangkot si Katrina sa video scandal ng cosmetic surgeon na si Hayden Kho Jr.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN