Rina Navarro to Ara Mina: "I hope masaya ka sa nagawa mo."

IMAGE Facebook / Noel Orsal

Rina Navarro (left) on ex-fiancé Dave Almarinez and Ara Mina after discovering their affair: "Of course, they're not together. I don't think pipiliin niya iyon over me."


“For the record, this is an ambush interview,” nakangiting pasakalye ni Rina Navarro nang interbyuhin ng media kaugnay sa isyu nila ng kaibigang si Ara Mina.

Si Rina ay miyembro ng Cinema Evaluation Board at political strategist ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino.

Isa rin siyang movie producer; kabilang sa mga naiprodyus niyang mga pelikula ay Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014, starring Robin Padilla) at AWOL (2017, starring Gerald Anderson).

Nabuking ni Rina na may relasyon si Ara at ang fiancé niyang si Undersecretary Dave Almarinez, president at CEO ng Philippine International Trading Corporation.

Si Almarinez ay ama ng six-month-old son ni Rina at nakatakda na sanang pakasal.

Ngunit kanselado na ang kasal nila at hindi na muna sila nag-uusap.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media si Rina pagkatapos ng announcement ng unang apat na official entries ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa Mandaluyong City, ngayong Biyernes, June 29.

Dito ay direkta na niyang sinagot ang pagkakaugnay ng kanyang dating fiancé sa aktres at dating kaibigang si Ara.


Stories We Are Tracking

Ara accused of having an affair with a government official
Ara accused of having an affair with a government official
Ara Mina denies alleged affair with a government official
Ara Mina denies alleged affair with a government official

Masaya ba siya ngayon?

“Yes, sobra!” mabilis na tugon ni Rina.

Bakit siya masaya gayong naudlot ang kasal niya?

“Well, of course, ano... ahhh, the first month was... para akong namamatay every day,” mabining lahad ni Rina.

“Siyempre, masakit yun. But the thing is, when you wake up, na magising ka sa katotohanan at malaman mo yung mga ganung bagay, magpapasalamat ka sa Diyos.

“Kasi, it’s more on... ‘Thank you God that you saved me from something tha is...’

"Kumbaga, mas mahirap pa dapat yung pagdadaanan ko, e.

“Kasi, kung hindi ko siya nalaman, tuluy-tuloy sila. Di ba?”

Humingi ba ng tawad sa kanya si Usec Almarinez?

“Oh, yes. I believe his apology was sincere,” sagot ni Rina.

Hindi raw niya maituturing na kaibigan ang ex-fiance. Puwede ba niya itong bigyan ng second chance?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He will always be the father of my child,” kaswal na saad ni Rina.

ARA ADMITS. Umamin ba si Ara?

“Well... Closed door, yes, she admitted,” pagbubunyag ni Rina.

Humingi ba ng tawad?

“She said, ‘Sorry na nalaman mo, I was gonna reveal.’ Ganun.

“Ganun talaga yun. ‘Wrong timing lang.’ Iyon.”

Tuloy ba ang relasyon nina Ara at Usec Almarinez?

“Of course, they’re not together. I don’t think pipiliin niya iyon over me,” sabi ni Rina.

Ano ang mensahe niya para kay Ara?

Humugot ng malalim na buntung-hininga si Rina bago sumagot.

Aniya, “I hope masaya ka sa nagawa mo.

"I’m sorry that this is coming out, but you know, the truth is out there.

“If you’re denying it, so be it.

“I don’t want to judge you, but you know the truth.”

Bukas ang PEP.ph sa panig nina Ara Mina at Undersecretary Dave Almarinez kaugnay ng mga pahayag ni Rina Navarro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN