Rita Daniela doesn't mind that her body gets more attention than her talent

IMAGE Noel Orsal

Rita Daniela is aware that some people notice her body more than her talents. And she does not mind. "Well, I am aware na siyempre, yun ang aura ko. I'm aware of that."


Hindi naiilang si Rita Daniela kung mas napapansin ng mga tao ang kanyang katawan kumpara sa kanyang talento.

Mula sa pagiging grand champion ng child singing competition na Popstar Kids ng QTV 11 (na kilala na ngayong bilang GMA News TV) noong mid-2000, pinasok ni Rita ang pag-arte.

Subalit nalinya siya sa mga kontrabida roles, at sa kanyang pagdadalaga, nagbago ang image ni Rita.

Kalaunan ay mas bumagay siya sa mga role bilang seksing kontrabida.

Hindi ba siya naiilang na mas napapansin ang kanyang katawan kesa sa kanyang talento?

“No, I don’t,” diretsa niyang sagot nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa upcoming musical play na Eto Na! Musical nAPO! noong June 26.

Patuloy ni Rita, “Well, I am aware na siyempre, yun ang aura ko. I’m aware of that.

“Kaya lang, siyempre madalas akong nami-misunderstand ng tao.

"Kasi masyadong strong, e—yung aura and everything—but I just do my thing. And it makes me feel good.

“Pero yung sexy, medyo kasi parang, in a way, part of my image din siya.

"Kasi siyempre nasanay yung sambayanan na bata ako, I came from the Popstar Kids, the Sugar Pop, and kontrabida, bata and all.”

May sasabihin pa sana si Rita pero bigla siyang natigilan.

“Abangan mo na lang. Meron akong project na lalabas.

"It’s still confidential, but yun yung I think na groundbreaking for me that will change everything,” aniya.

Sabi pa niya, kung mas nakakaagaw ng pansin ang kanyang pagka-sexy, “It’s a part of being an artist.

“And for me, I think lumalabas lang talaga siya because I think ganun ako, ganun din siguro kung paano ako gustong makita.

“Hindi ko naman ipinagkakaila yun when someone says that, sexy, I say, ‘Thank you.’”

Itatanghal ang Eto Na! Musical nAPO! sa Maybank Performing Arts Theatre, Taguig mula August 3 hanggang 26. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN