Angelica Panganiban, JM de Guzman keep in touch despite naysayers

IMAGE Instagram @1migueldeguzman

Angelica Panganiban at JM de Guzman, nagkulitan sa Instagram direct messaging ilang linggo matapos masangkot sa isang kontrobersiya sa social media.


Nananatiling positibo ang komunikasyon sa pagitan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman sa kabila ng detractors ng kanilang pagkakaibigan.

Base ito sa kulitan nilang dalawa nang magpalitan sila ng walang kawawaang mensahe via Instagram direct messaging noong Huwebes, Hunyo 28.

Sabi ni Angelica, "As i was saying..."

Sagot ni JM, "jeez. im flabbergasted."

Hirit ni Angelica, "Astonishing right?"

Sang-ayon ni JM, "quite yeah."

Nagpatuloy pa ang silly messages nila sa isa't isa base sa screenshot na ibinahagi ni JM sa kanyang Instagram Story.

May written text ito ni JM na tila namangha pa sa kakaibang trip nila ni Angelica, "@iamangelicap anyare?"


BASHERS. Noong June 13 ay binuweltahan ni Angelica ang isang netizen—na sinasabing fan ng isang baguhang love team sa isang panghapong programa—dahil sa pambabatikos nito sa aktres.

Base sa iba pang comments, tila inaalmahan ng ilang fans ang pagiging malapit ni Angelica sa hindi pinangalanang aktor o kalahati ng iniidolo nilang love team.

Hindi ito inurungan ni Angelica at nagpahiwatig na ipaparating niya sa kanyang TV network bosses ang pambabatikos na natamo niya mula sa ilang bashers.

Bagamat hindi pinangalanan ni Angelica kung sino ang sangkot sa isyu, inugnay ng ilang netizens na posibleng si JM ang aktor na ayaw ng fans ng isang baguhang love team na mapalapit sa Banana Sundae actress.


Stories We Are Tracking

Angelica slams basher putting malice on her Instagram post
Angelica slams basher putting malice on her Instagram post

WRONG COMPANY? Noong Mayo ay naiulat din ang tensyon sa pagitan ni Angelica, JM, at ama ni JM na si Ronniel de Guzman.

Ito ay matapos magpatutsada si Ronniel sa social media na "#maymali" at "#wrongcompany" ang pakikipagbarkada ni JM sa grupo nila ni Angelica.

Umalma si Angelica nang tila pati kanyang ina ay nadadamay sa isyu, hanggang sa umabot sa puntong nagalit si JM sa sariling ama.

Ngunit sa huli, humingi ng dispensa si JM sa ama at nilinaw na "misunderstanding" lang ang lahat ng nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

JM de Guzman assures everything is okay with his dad
JM de Guzman assures everything is okay with his dad
JM de Guzman apologizes to dad after heated exchange on IG
JM de Guzman apologizes to dad after heated exchange on IG
Are JM de Guzman's cryptic IG posts alluding to his father?
Are JM de Guzman's cryptic IG posts alluding to his father?
Are Angelica and JM's dad throwing shade at each other?
Are Angelica and JM's dad throwing shade at each other?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN