Carla Abellana dreams of working with Piolo Pascual, Bea Alonzo, other Kapamilya stars

IMAGE Noel Orsal

Carla Abellana on why she looks forward to working with Piolo Pascual: "Piolo Pascual is Piolo Pascual! Parang wala naman po atang artistang babae na hindi po gugustuhing makatrabaho si Piolo. At saka kahit sino namang kasama niya o ma-pair sa kanya, it works everytime."


Dahil halos karamihan ng mga Kapuso stars ay nakatrabaho na ng Kapuso actress na si Carla Abellana, ang Kapamilya stars naman na sina Piolo Pascual at Bea Alonzo ang gusto nitong makasama sa pelikula.

Ayon nga kay Carla nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong mag-guest ito sa DZBB 594 radio program na "Walang Siyesta" last June 28, “Kasi kung tutuusiin kung co-stars, halos lahat naman ng Kapuso, nakatrabaho ko na.

“Lagi naman pong tinatanong sa akin ng manager ko kung sino pa ang hindi ko nakakatrabaho.

“Parang lahat na nakatrabaho natin.

“Siguro sa labas na lang po ng telebisyon, meaning, sa pelikula naman sana.

“Ang dami po nun.

“Gusto ko si Piolo Pascual, Bea Alonzo, Aga Muhlach, Judy Anne Santos.

“Sabi ko nga po kay Bea Alonzo one time, 'Gusto kong maging part ng movie mo kahit P.A. mo lang o yaya, basta makasama lang kita sa movie. Masabi lang na nakasama kita sa movie.'

Anong sabi ni Bea ?

Saad niya, “Natawa lang po siya siyempre.

“Ako, actually kahit anong role yan.

“Kahit napaka-short lang ng appearance, masabi lang na at least, nakasama ko itong mga 'to. Happy na ko dun.

“Sana po kahit papano sa pelikula mabigyan ng pagkakataong makatrabao yung iba pang stars.”

DREAMS OF WORKING WITH PIOLO. Tinanong namin si Carla kung bakit gusto niyang makatrabaho si Piolo.

Pagmamalaki niya, “Piolo Pascual is Piolo Pascual!

“Parang wala naman po atang artistang babae na hindi po gugustuhing makatrabaho si Piolo.

“At saka kahit sino namang kasama niya o ma-pair sa kanya, it works everytime.

“Iba po talaga ang galing at dating ng isang Piolo Pascual. Nakakabilib!”

If ever, anong tema ng pelikulang gusto niyang gawin with Piolo?

Pakli niya, “Comedy siguro, kasi nasanay na po tayong mapanood si Piolo sa mga drama.

“Parang bibihira lang po natin siya makita sa hindi nakakaiyak na pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, maganda kahit papaano kung something light naman po yung magiging tema.

“Para ma-break naman yung nakasanayan na nila.”

MAGPAKAILANMAN GUESTING. Nagkuwento si Carla tungkol sa kanyang bagong project.

Lahad niya, “Eto, meron po kaming magandang episode sa Magpakailanman sa Saturday, June 30.

“Ang kuwento po niya ay tungkol sa anak ng kabit, o sa family po na hindi nila alam na kabit sila o second family sila.

“So, isang mabigat na episode na naman po sa Magpakailanman.

First time ba niyang gumanap sa ganitong klaseng role?

Pag-amin ni Carla, “Di naman po.

“Yung mga kasama ko rin po dito, yung iba po sa kanila nakatrabaho ko na.

“So, maganda rin po. Mas komportable na po kami.

“Pero in terms po sa bigat, iba din po yung pinanghuhugutan ng bigat ng kuwento.

“Pero kahit papaano, naitawid naman po.”

OTHER GUESTING STINTS. Maliban sa mga pag-arte sa mga drama serye, meron din palang ibang guestings si Carla na medyo nalilinya sa comedy.

Dagdag niya, “Bukod naman po dun sa Magpakailanman, meron naman po,

“Kahit papaano meron naman akong ilang guestings po sa Bubble Gang.

“Meron po akong mga Bubble Gang appearances this coming July.

“Mag gi-guest din po ako sa Sunday PinaSaya.

NEW TELESERYE. Inamin din ni Carla na meron siyang bagong pagbibidahang teleserye, pero hindi pa raw siya puwedeng maglahad ng impormasyon tungkol dito.

“May bago na po kaming soap na sisimulan, malapit na po.

“This July, mag-start na po kaming mag taping.

“Not sure lang po kung puwede na pong sabihin kung sinu-sino makakasama ko.

“Yung story ay tungkol sa family, may mga kapatid po ako ditong babae.

“'Tapos, kami pong magkakapatid na babae iba-iba po kami ng mother/

“So, yun po yung magiging kuwento.

“Family drama po siya.

“So, di ko lang po sure kung puwede na pong sabihin yung mga names ng kasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ba niya rito ang boyfriend niyang si Tom Rodriguez?

Tanggi niya, “Hindi po. Meron po kase siyang The Cure so medyo mag-o-overlap po.

“Pero okay lang po kase yung kuwento. Di naman po siya love story

“Di naman po siya romance.

“Talagang it’s pure family drama.”

First time ba niyang gumawa ng ganitong klaseng teleserye?

“Hindi naman po, pero first time ko to play a role na tatakbo ang kuwento ng magkakapatid na babae na iba-iba ang mother.

“So, siyempre, yung mga soap naman po na naging parte na ko ay di naman po nawawala yung pamilya talaga, e.

“Pero itong new serye namin, naka-center talaga sa magkakapatid.

“So, yun po. Kumbaga, yung first time na magkakapatid po yung makakabanggaan ng aking role.

“Hopefully, sana suportahan ng ating mga Kapuso, katulad ng pag suporta nila sa aking mga teleserye dati,” panalangin ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN