Lani Misalucha recalls how Joe Jackson, Michael's dad, used to watch her shows in Las Vegas

IMAGE Arniel Serato

Lani Misalucha reminisces her brief encounters with Michael Jackson's dad, the late Joe Jackson, who passed away recently last June 27: "Nakakatuwa lang maalala na he was always there, he loves music at naa-appreciate niya ang performance natin."


Balik-Kapuso ang tinaguriang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha dahil kabilang siya sa bagong reality singing competition show ng GMA-7 na The Clash.

Makakasama ni Lani sa show ay ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista at ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Happy si Lani dahil ang The Clash ang kauna-unahang regular Kapuso show kunsaan siya mapapanood muli after 15 years.

Nag-migrate sa U.S. si Lani kasama ang kanyang buong pamilya noong 2004.

“Ang warm ng welcome ng GMA-7 sa atin kaya ang laki ng pasasalamat ko sa kanila.

“Nakakatuwa lang talaga, kasi hindi na ako pinilit ng mga bossing na maging part ako ng show na ito.

“Oo ako agad sa kanila.

“I missed everybody sa GMA-7.

“I missed working with Regine na nakasama ko for such a long time sa S.O.P.

“Yung last show ko with GMA-7 aside sa S.O.P. was Celebrity Turns with Michael V. noong 2003 pa.

“Kaya for the duration of the show, mapapanood nila ako rito sa The Clash, which is an exciting show, by the way.

“Panoorin nila at mga hurado kami rito nila Christian, Ai-Ai and Regine,” masayang kuwento pa ni Lani sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng The Clash noong nakaraang June 28 sa Cities Events Place sa Quezon City.

PROUD LOLA. Naikuwento pa ni Lani na hindi na siya sobrang busy ngayon sa pag-perform sa Las Vegas dahil nag-e-enjoy daw siyang alagaan ang kanyang apat na apo.

Sabi niya, “Yes, I am a lola to four grandkids na.

“Nag-asawa na kasi ang dalawang anak ko at tig-dalawa ang mga anak nila.

“Sometimes, lalo na kapag may mga busy schedules ang mga anak ko, sa akin muna iniiwan ang mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really don’t mind kasi kaya nga tayo lola, di ba?

“Para mahalin at alagaan ang mga anak ng anak natin!

“I love being with my apos kasi they make me feel young.

“Sa totoo lang, kapag mga bata kasama mo, feeling mo bata ka rin, e.

“Tsaka hinahanap ko rin yung may pinagluluto ako, pinagsa-shopping ko ng mga damit at laruan.

“I missed being a mother kaya heto, lola na ako talaga!”

MORE TIME FOR FAMILY. Since hindi na raw tumatanggap ng residency si Lani sa Las Vegas, mas marami na siyang time para sa kanyang sarili at sa kanyang mga apo.

“Yun na nga, hindi na ako tumatanggap ng residency as a performer.

“Once a year na lang ako kung mag-show sa Vegas.

“Like this December, may gagawin akong Christmas show sa The Orleans Hotel & Casino.

“Hindi ko na rin kasi kaya yung every night may performance ako.

“Mas gusto ko na ngayon na mas maraming pahinga and enjoy time with my family.

“Tulad ngayon, nandito ako sa Pilipinas at may show tayo sa GMA-7.

“Hindi na rin kasi tayo kasing lakas tulad noon para sa gabi-gabing puyatan sa Vegas.

“But when I get an invitation mula sa mga Filipino communities doon na mag-perform ako, okey lang sa akin.

“Masarap na mag-perform sa mga kababayan natin doon,” pag-amin niya.

LIFE IN THE STATES. Simple at tahimik daw ang buhay ni Lani sa Las Vegas.

Pero inamin din niyang medyo mahirap din.

Lahad niya, “Sa totoo lang, masarap mamuhay sa Amerika, pero hirap din because you do everything there.

“Hindi uso kasi ang may help doon.

“Namamalengke ako roon, I do the house chores and I mow our own lawn.

“Yun bale ang pinaka-exercise ko doon.

“Ang isang typical day ko sa Vegas is I wake up early.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before, I would make breakfast noong nag-aaral pa ang dalawang anak namin.

“E, ngayon at may sarili na silang mga buhay, I rarely make breakfast.

“I always go to the supermarket kasi gusto kong fresh parati ang fruits and vegetables sa bahay.”

Sa neighborhood daw nila ay yung pamilyang katapat ng bahay nila ang may alam na isa siyang celebrity sa Pilipinas.

“Yung wife kasi, half-Pinoy kaya may mga relatives siya na kilala ako.

“Dun lang nila nalaman na singer pala ako sa Pilipinas.

“Nakakasalamuha ko naman ang mga kababayan natin kapag namimili ako sa Seafood City Supermarket or sa Island Pacific Seafood Market.

“Hindi ako nakakauwi agad kasi maraming gustong nagpa-picture sa atin at masaya ko namang pinagbibigyan sila.

“Kaya minsan ang mga pictures namin, ang background mga karne or isda! Minsan mga gulay!” sabay tawa niya.

CELEBRITY ENCOUNTERS. Noong may residency pa raw si Lani sa Las Vegas strip, ilang international celebrities na ang nakapanood ng kanyang mga shows.

Kuwento niya, “Like noong time na nasa Flamingo Hotel kami, si Gladys Knight ang nanood sa show namin.

“Then,when I was performing sa Hilton naman, nasa audience si Dionne Warwick and Mike Tyson.

“Pero ang madalas na manood talaga sa akin ay yung father ni Michael Jackson na si Joe Jackson.

“Minsan kasama niya yung ibang kapatid ni Michael na manood,” pagbalik-tanaw ni Lani.

Kaya medyo nakaramdam ng lungkot si Lani noong mabalitaan niyang pumanaw na si Joe Jackson noong nakaraang June 27 lamang.

“Alam ko na may picture kaming dalawa and I remember noong minsang nagkausap kami, he said, ‘I will tell MJ to come and see your show.’

“Kaso hindi na nga nangyari iyon kasi namatay na si Michael.

“'Tapos, ito ngang nabalitaan ko na wala na rin si Joe Jackson.

“Nakakatuwa lang maalala na he was always there, he loves music at naa-appreciate niya ang performance natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN