Vlogger-model LA Aguinaldo impressed by Marian Rivera's sincerity: "Alam mo yung totoo siyang tao."

IMAGE Instagram

Vlogger LA Aguinaldo on Marian Rivera: "For some reason, there's something alluring about Marian. I know [she's the] Primetime Queen, but what's more alluring is she's genuine! Alam mo yung totoo siyang tao."


Unang beses nakita sa personal ng model-vlogger na si LA Aguinaldo si Marian Rivera sa LiveCon para sa ini-endorse na shampoo ng Kapuso star noong Huwebes, June 28, sa Manila House, Bonifacio Global City sa Taguig.

Kumusta ang una nilang paghaharap ng Kapuso Primetime Queen?

Ayon kay LA, “It’s pretty cool, kasi siyempre I’ve been invited na to a lot of events na there are artistas.

“And for some reason, there’s something alluring about Marian.

“I know [she’s the] Primetime Queen, but what’s more alluring is she’s genuine!

“Alam mo yung totoo siyang tao.

“Kung gusto ka niya, gusto ka niya. Kung ayaw niya, ayaw niya.

“And she’s a good role model.”

Matapos niyang makilala at makaharap nang personal si Marian, ano na ang impression niya rito?

“Iyon, I love how genuine she is, and yun nga, she’s a good role model too.

“Like, you know, for admirers kasi, at the end of the day, you want something real.

“So, I guess that’s why she’s beloved, kasi totoo siyang tao, e.

“Di ba, like we’re in showbiz na puno ng… I dunno, not fake people but, like, medyo ano... people put up a front.

“Kay Marian kung ano ang nakikita mo, you know it’s genuine,” pagmamalaki niya.

VLOG CHANNEL. Ang vlog (or video blog) channel ni LA ay tinawag niyang LA All Day.

Paliwanag niya, “So ang concept nun is just, like, it’s me, sasama ka sa akin throughout my day.

“Let’s say, I go to a modeling shoot, sama ka. Cover shoot, sama ka.

“Usually it’s my travels, what I’m doing.”

Kung saan-saang bansa na rin nakabiyahe si LA, tulad ng U.S. at Iceland.

Samantala, hindi tulad ng ibang modelo, hindi pa naranasan ni LA na mag-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “No, I guess, like, it was always there, like fashion and showbiz are always there.

“But for some reason, it just didn’t connect.

“Like parang, I know some people but the opportunity wasn’t there, I guess.”

At sa modelling world daw ay hindi masyadong uso ang tsismis at eskandalo.

Never pa raw niyang naranasang masangkot sa eskandalo o kontrobersiya.

“Wala naman.

“I dunno, sige I’ll research on that kasi I don’t know!” at natawa si LA.

NO SEX VIDEOS. Sinagot din ni LA ang mga tanong tungkol sa video scandals na kinasasangkutan ng ilang male celebrities and models.

Sa kaso niya, wala raw siyang malaswang video.

“Coz I rarely go out, I don’t go out,” rason niya.

Hindi rin daw niya ugaling makipag-chat kung kani-kanino.

Kaya sigurado si LA na walang lalabas na sex scandal niya.

“Coz I don’t do anything of that sort, yung chatting. Wala, none.

“I’m such a boring person, like, at home, I just edit my vlogs. I read books or play with my dogs.

“And like everyone knows, that once in the internet, it’s there forever.

“Parang it comes with, you know, what you’re getting yourself into.

“There’s a camera there, you never know what would happen to that, you know.

“Manakaw ang phone mo, manakaw ang laptop mo, may nag-hack sa iyo.

“You know, kasama iyan sa risk that you take when you open your webcam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN