Christian Bautista unfazed by "stressful" wedding preps

IMAGE @xtianbautista on Instagram

Christian Bautista makes light of all the rather stressful preparations that he and fiancée Kat Ramnani are going through for their upcoming wedding: "Nasabi ko nga na I'm ready to get married, but I wasn't prepared for all the planning!"


Nagbahagi ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ng ilang detalye tungkol sa magiging wedding nila ng kanyang fiancée na si Kat Ramnani.

Ayon kay Christian, nakikipagtulungan sila ni Kat sa kanilang wedding planner para sa preparations ng kanilang wedding.

“Gusto rin namin ni Kat na alam namin ang mga nangyayari, kaya we’re working closely with our wedding planner.

“Ang naging realization ko sa pagpaplanong ito is everyday may pagbabago.

“Kung ano yung napag-usapan namin, like today, maiiba pa yan bukas at sa darating pang mga araw.

“Nasabi ko nga na I’m ready to get married, but I wasn’t prepared for all the planning!” tawa niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa media launch ng reality singing competition show ng GMA-7 na The Clash noong June 28, Huwebes.

STRESSFUL PREPARATIONS. Inamin ng singer-actor na “quite stressful” ang ginagawa nilang paghahanda para sa wedding.

Pero as the days go by ay nakakapag-adjust na raw si Christian sa lahat.

Lahad niya, “No one told me na magiging ganito pala ka-stressful ang lahat.

“Parang never-ending ang lahat. Yung tipong padagdag nang padagdag.

“Sa flowers na lang, paiba nang paiba.

“But I know that it is all a part of being involved sa process.

“Kaya kami ni Kat, we’re very patient with all of the preparations.

“Hindi pa naman kami umaabot sa point na nagkakapikunan na kaming dalawa.

“Sabi nga nila, this is the first test of our relationship.

“Mate-test dito ang patience namin, yung team work namin as husband and wife.

“We really want to do this. This is our wedding and we want the best kasi minsan lang ito mangyayari sa buhay namin.”

STILL CONFIRMING WEDDING VENUE. Wala pang mabigay na exact date si Christian para sa wedding nila ni Kat dahil hinihintay pa raw nila ang confirmation regarding sa wedding venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkakaroon pa po kami ng pirmahan with this certain venue.

“Hinihintay lang namin yung confirmation from them.

“Until we sign that contract with them at nakapag-down payment na kami, wala pa kaming ma-confirm na wedding date.

“Mahirap kasi na i-announce mo agad, tapos biglang may mababago.

“So, gusto namin yung sure na sure na.

“Sometimes kasi, it happens na a month before the wedding, nagkakaroon ng problema with the venue, so we want to be sure na doon talaga kami.

“Kaya we are praying na makuha namin iyon para maging maayos na ang lahat,” ngiti pa ni Christian na may higit kumulang na 250 guests sa wedding nila ni Kat.

OTHER WEDDING DETAILS. Ang Filipino designer na si Francis Libiran ang tatahi ng wedding gown at wedding suit nina Christian at Kat.

Ang color ng wedding gown ni Kat ay off-white and ecru, samantalang ang suit ni Christian ay pinagpipilian pa kung dark green or dark maroon.

Binubuo na raw nila Christian at Kat ang magiging laman ng kanilang wedding invitation tulad ng mga magiging ninong at ninang, pati na ang mga bridesmaids at groomsmen.

“We need to finalize everything for the wedding invitations.

“Kaya we’re both very focused on that sa ngayon.

“Inaalam po kasi namin kung available ba sila sa ganitong date.

“Para ahead of time, mai-block na nila.

“Like ang mga magiging wedding singers ko na sina Erik [Santos], Mark [Bautista] and Richard [Poon], even si Ate [Regine Velasquez-Alcasid], gusto ko nang unahan sa schedules nila kasi baka magkaroon sila ng concert.

“E, yung months po na pinagpipilian namin na November and December, maraming magkakaroon ng shows at concerts diyan.

“Kaya gusto na naming mai-block na nila yung date kapag official na.

“It’s a very long process, but God-willing, we will be able to do it,” paniguro pa ni Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW TV SHOW. Thankful naman si Christian na bago siya ikasal ay may nasimulan na siyang bagong show sa GMA-7 na The Clash.

Kasama ni Christian dito sina Regine Velasquez-Alcasid, Lani Misalucha and Ai-Ai delas Alas.

“I am happy to part of this show.

“I really need this kasi I will be paying for the wedding! So, salamat GMA-7!” malakas na tawa pa ni Christian.

Dahil produkto rin ng singing contest sa TV si Christian (ABS-CBN’s Star in a Million in 2003), nakaka-relate ito sa mga pinagdaraanan ng 62 contestants ng The Clash.

“Alam naman po ng lahat na hindi tayo ang nanalo doon sa sinalihan kong singing contest noon, pero nagkaroon pa rin tayo ng magandang singing career after that.

“Joining a contest like this, nandiyan ang pressure talaga, so they all have to work on that in order to deliver a very good performance.

“Pero para po sa akin, aside from winning which is really the goal, siguro yung magiging experience mo sa pagsali ang importante.

“You challenge yourself to give out your best.

“Kaya manalo or matalo ka man, you know deep down in your heart that you gave it your all.

“And that is the biggest reward of all,” pagtatapos ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN