Singer RJ Agustin mourns the loss of his father, film director Arturo "Boy" San Agustin

IMAGE Instagram / Facebook

Isang araw pagkatapos ilibing ang kanyang ama na si Direk Agusto "Boy" San Agutin noong June 26, itinuloy pa rin ng singer na si RJ Agustin ang campus tour niya kahit nagluluksa pa siya.


The show must go on para sa Star Music artist na si RJ Agustin kahit nagluluksa ito dahil sa pagpanaw ng kanyang ama—ang veteran film director na si Arturo “Boy” San Agustin.

Pumanaw ang film director noong June 21 dahil sa sakit na aortic aneurysm. Siya 70 years old.

Ayon sa Wikipedia, “An aortic aneurysm is an enlargement (dilation) of the aorta to greater than 1.5 times normal size. They usually cause no symptoms except when ruptured.

“Aortic aneurysms cause weakness in the wall of the aorta and increase the risk of aortic rupture. When rupture occurs, massive internal bleeding results and, unless treated immediately, shock and death can occur.”

Tatlong dekada ang itinagal ng karera ni Direk Boy bilang direktor, writer, at producer.

Ang una niyang pelikula ay ang Sino si Jun Urbina? noong 1979 na pinagbidahan ni Eddie Garcia.

Karamihan ng mga ginawa niyang pelikula ay action at pinagbidahan ng ilan sa pinakamalalaking action stars sa bansa.

Kabilang na rito sina Fernando Poe Jr. (Kapag Puno Na Ang Salop); Lito Lapid (Tadtarin Ng Bala Si Madelo, Sgt. Melgar); Robin Padilla (Manila Boy), at Anthony Alonzo (Hulihin si Pepeng Magtanggol, The Fighting Mayor, Sino Si Baby Salonga?, Sendong Singkit, Boy Tipos).

Idinirek din niya sina Roi Vinzon (Sunugin si Antero Castro), Andy Poe (Gising na… Ang Higanteng Natutulog), at Dan Fernandez (Cobra).

Ang huling pelikulang nagawa niya ay ang Kabisera, entry sa 2016 Metro Manila Film Festival at pinagbidahan ni Nora Aunor.


Ayon kay RJ, tatlong taon nang may sakit ang kanyang ama kaya labas-masok ito sa ospital.

“Maraming na-diagnose sa sakit kay Papa, pero ang naging main concern ng doctor was yung aortic aneurysm.

“Pinababantayan nila sa amin ang health ni Papa kasi ang ganyang sakit pala, para kang walking time bomb.

"Any moment, puwedeng may mangyaring hindi maganda,” saad ni RJ nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Firestarters office sa Timog Avenue, Quezon City, noong June 28, Huwebes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero noong huling beses na itinakbo nila sa ospital si Direk Boy, yun na rin ang huling pagkakataong nakausap ni RJ ang kanyang ama.

Lahad ng singer, “Hindi siya makapagsalita that time dahil may mga tubes na pinasok sa throat niya.

"So I gave him something to write on. Noong binasa ko, nakalagay ay 'pagod na ako.'

"So, parang sinasabi ni Papa na he’s ready to go.

"Pero siyempre, ginawa pa rin namin ang lahat para tumagal pa ang buhay niya,."

FACEBOOK POST. Noong pumanaw si Direk Boy noong June 21, nag-post si RJ sa Facebook ng mensahe ng pasasalamat para sa kanyang ama:

“To my mentor, my friend, my disciplinarian and my clown, thank you for everything....  

"This is the saddest moment of my life. I won’t be able to see you, and talk to you anymore.

"I am wounded but I’ll heal and continue to fight because you taught me how to be a warrior. You gave a good fight!

"I am who I am today because of you Pa. You will be in my heart forever. I love you Pa... Goodbye..."

Inihatid sa kanyang huling hantungan si Direk Boy noong June 26.

Simpleng “Bye Pa... ” ang mensahe ni RJ sa FB na pinuno niya ng baby pictures niya kasama ang yumaong ama.

THE SHOW MUST GO ON. Bilang isang professional, itinuloy ni RJ ang campus tour niya the day after ng funeral para sa promotion ng kanyang single na Seryoso Na Pala.

Ayon kay RJ, “Sabi nga nila sa showbiz, the show must go on.

“Hindi ko pina-cancel ang mga scheduled campus tour namin dahil commitment ko ito.

"Isa sa natutunan ko kay Papa ay yung i-honor mo ang ginawa mong commitment sa kahit na sinuman.

"At alam ko na gusto rin niyang ituloy ko ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Papa ko namana ang love ko for music. Kumakanta din siya and he plays the piano very well.

"If Papa were still alive at wala siyang sakit, isasama ko siya sa mga shows ko because he loves music."

Ang ongoing campus tour ni RJ ay paghahanda na rin sisimulan niyang eight-track album sa ilalim ng Star Music.

Sasamahan si RJ ng ilang Star Music artists sa mga susunod na campus tour dates:

July 5 THU– Arellano MAIN; July 13 MON– CCP with Parokya ni Edgar; July 11 WED – RTU Mandaluyong; July 25 WED– Arellano Malabon and Estrella; August 2 THU– UE Manila; August 8 WED– LYCEUM Manila; August 10 FRI– UST; August 31 FRI- PLM; September 7 FRI– Adamson University.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN