Loisa Andalio defends PDA issue with rumored boyfriend Ronnie Alonte: "Wala akong paki."

IMAGE @iamandalioloisa, @hashtag_r2a on Instagram

Loisa Andalio speaks up about "excessive" public display of affection (PDA) with rumored boyfriend Ronnie Alonte: "Ang sa akin naman kasi, wala akong paki. Porke't artista ka, di na kami puwedeng maging sweet?"


Hindi mapigilang mag-react ni Loisa Andalio sa matagal nang binabatong puna ng ilang netizens tungkol sa sobrang public display of affection (PDA) kapag magkasama silang dalawa ng rumored boyfriend niyang si Ronnie Alonte.

Read: Ronnie Alonte speaks up about public display of affection with Loisa Andalio

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa aktres sa nakaraang book launch ng celebrity make-up artist na si RB Chanco noong nakaraang June 27 sa Manila House, BGC, dinepensahan ni Loisa ang sarili at si Ronnie na bilang mga normal ding tao ay hindi na dapat gawing isyu kung magpakita man sila ng nararamdaman nila sa isa't isa.

Pahayag niya, “Ang sa akin naman kasi, wala akong paki.

“Porke't artista ka, di na kami puwedeng maging sweet?

“E, yung mga mag-dyowa nga na nakikita ko sa paligid ko, mas malala pa, di ba?

“Siguro dahil porke't artista kami, ganun. Pero di ako naaapektuhan.

“Kumbaga, para sa akin normal pa rin kami.

“Normal na tao pa rin kami kung paano kami maglambingan, yun ang nararamdaman namin."

Ayon nga kay Loisa, masaya at kuntento siya sa samahan nila ng rumored boyfriend.

“Sobrang di kami nag-aaway, bihira, kaya masaya ako na nag-e-enjoy lang kami.

“Siyempre, iba pa rin pag laging magkasama.

“Siguro, di kasi kami nawawalan ng time para sa isa't isa.”

LOISA-JULIA BONDING. Noong mga nakaraang linggo ay kumalat sa social media ang bonding pics nina Loisa at Julia Barretto, at masaya si Loisa na suportado ito ni Ronnie.

Lahad niya, “Siyempre, si Ronnie grabe din naman ang tiwala niya sa akin.

“Alam naman niya ang ginagawa ko kung tama o mali."

KNEE INJURY. Dahil sa knee injury ni Ronnie, malaki ang posibilidad na hindi ito makalaro sa nalalapit na Kapuso Playoffs kung saan isa si Ronnie sa mga miyembro ng Team Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Loisa, mas gusto niya na wag na lang maglaro si Ronnie at magpagaling muna.

“Sinasabi ko naman sa kanya na mas maganda na yung safe, mas maganda na di na muna siya maglaro.

“At least, mas safe siya kaysa naman mas lumala yung mangyari.

“Mas gusto ko muna talaga ang mag-heal bago siya maglaro,” panalangin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN