Patricia Javier falls victim to Basag-Kotse Gang in Antipolo

IMAGE @patriciajavier1 on Instagram

Nanawagan si Patricia Javier sa makakakuha ng diamond necklace na nanakaw sa kanya sa Antipolo, Rizal, noong gabi ng Linggo, July 1, "Kunin niyo po, itawag niyo na lang sa akin, at kukunin ko po sa inyo para... kung magkano man ho yung binenta sa inyo."


Labis na ikinalulungkot ni Patricia Javier ang nangyaring pagnanakaw ng mga mahahalagang gamit sa kanyang sasakyan sa Masinag, Antipolo, Rizal, Linggo ng gabi, July 1.

Ayon sa report ng Umagang Kay Ganda, kasalukuyang nakikipag-meeting si Patricia sa isang restaurant sa nasabing lugar nang biglang nag-alarm ang naka-park niyang SUV.

Kuwento ng aktres, “May nakita akong dalawang lalaki na naka-motor, na akala ko sinilip lang ang sasakyan ko, 'tapos biglang [nag-alarm] kasi sensitive yung sasakyan.”

Paglabas umano niya sa restaurant para patayin sana ang alarm, nakita niyang basag na ang salamin ng bintana sa passenger seat ng kanyang sasakyan.

Ilan sa mga gamit ni Patricia na nakuha sa loob ng sasakyan ay ang kanyang Louis Vuitton bag kung saan nakalagay ang kanyang wallet, ATM at credit cards.

Pinaniniwalaang naging biktima ng Basag-Kotse Gang ang aktres.

Mas nanghihinayang si Patricia dahil kasama rin sa natangay ng mga magnanakaw ang diamond necklace na may pendant ng kanyang initials na "PJ."

Napaka-sentimental daw ng kuwintas na iyon sa kanya dahil isa ito sa mga naipundar niya mula sa kanyang kinita sa showbiz.

Love my new #policesunglasses???? from #idealvision

A post shared by Patricia Javier (@patriciajavier1) on

Kaya ang panawagan ng aktres, “Sana po kapag may nagbenta sa inyo ng PJ na may mga diamond po, kunin niyo po, itawag niyo na lang sa akin, at kukunin ko po sa inyo para... kung magkano man ho yung ibinenta sa inyo.”

Sa ngayon, hinihintay pa ng pulisya ang record ng CCTV sa lugar ng pinangyarihan para makatulong sa imbestigasyon.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN