Ai-Ai delas Alas admits "tampuhan" with talent Ex Battalion

IMAGE Arniel Serato / File

Aminado ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na nagkakatampuhan sila ng mga alaga niyang grupong Ex Battalion. Pero naaayos daw naman kaagad kung mayroon man silang hindi pagkakaunawaan.


Umamin si Ai-Ai delas Alas na nagkatampuhan sila ng alaga niyang grupong Ex Battalion.

Sabi ng Comedy Queen, “E, nakakatawa nga yun, di nila alam [na nag-post ako sa Instagram]… ‘Ma, hindi mo kami tinag. Hindi tuloy namin alam.'”

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang post niya sa Instagram noong June 2 kung saan sinabi niyang magli-leave of absence muna siya bilang manager ng grupo sa loob ng isang buwan.

Ngunit makalipas ang ilang oras ay binura rin niya ang kanyang post.


Stories We Are Tracking

Did Ai-Ai delas Alas have a rift with Ex-Batallion?
Did Ai-Ai delas Alas have a rift with Ex-Batallion?

Dagdag pang kuwento ni Ai-Ai, biniro raw niya ang Ex Battalion na ipinasulat niya sa media ang kanyang saloobin para malaman nilang masama ang loob niya sa kanila.

Sabi raw sa kanya ng mga alaga, "'Ba't di mo kami tinag, hindi tuloy namin alam.'"

Tugon daw niya, “'Tse, ewan ko sa inyo.’”

Sa ngayon, naayos na raw ang hindi nila pagkakaunawaan.

Sabi ni Ai-Ai, “Okay na kami. Siyempre naman, sa isang pamilya naman, hindi puwedeng hindi nawawalan ng problema.

"E, puro boys yun, puro lalaki yun, nakupo!"

Sabi pa ni Ai-Ai, nanay ang turing sa kanya ng mga alaga.

“Nanay, oo. Humanda sila, nanay nila ako.

"'Mama, ganito, ganyan.' Puro ganyan, naku, 'nyeta. Minsan may punyeta pa."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa grand presscon ng The Clash noong June 28.


Stories We Are Tracking

Ai-Ai delas Alas says IG post on religion not about Duterte
Ai-Ai delas Alas says IG post on religion not about Duterte

“HINDI KONTROLADO.” Nagpahayag naman ang Comedy Queen ng kanyang kalungkutan na hindi na matutuloy si Shanti Dope na mag-guest sa first anniversary concert ng Ex Battalion sa July 14.

Saad niya, “E, ganun talaga, e. Minsan hindi natin kontrolado kung ano yung mga mangyayari.

“Maybe hindi siguro siya para doon sa show namin.

“Malay mo sa ibang show maging guest pa rin namin siya.

“Ganun talaga. Minsan hindi mo ma-control yung situation, e.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN