Lani Misalucha readies self for possible bashing: "Wala din naman talaga akong magagawa."

IMAGE Arniel Serato

Kahit hindi sanay sa bashing, inihahanda na raw ng Asia's Nightingale na si Lani Misalucha ang sarili para rito ngayong magsisimula na ang The Clash sa GMA-7 kung saan isa siya sa mga tatayong hurado.


Hinahanda na raw ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha ang sarili sa bashers kapag nagsimula na ang pag-ere ng The Clash, ang bagong singing competition ng GMA-7.

Isa si Lani sa mga judge rito, kasama sina Christian Bautista at Ai-Ai delas Alas.

Saad ng singer, “Sa totoo lang, hindi [ako sanay sa bashing].

"Kasi alam niyo namang hindi ako ganun kadalas sa telebisyon. Bihira lang akong nakikita.

"Sa totoo lang, sinabihan naman nila [The Clash producers] ako ahead of time na hindi imposible na magkaroon ng bashing, especially towards the end.

“Well, siguro ang masasabi ko lang ngayon, ay wala din naman talaga akong magagawa.

“Hindi mo naman talaga mapipigilan ang mga tao kung ano ang gusto nilang sabihin.”

Ayon pa kay Lani, maaaring ituring na bullying ang pangba-bash.

“Yun nga lang talaga, kadalasan ang mga nasasabi nila ay hindi favorable.

"At kadalasan ay masyadong personal, na masyadong nakaka-degrade, masyadong below the belt, very abusive.

“Parang isang form na rin ng bullying.

"Pero yun ang gusto nilang sabihin, yun ang gusto nilang i-express, yung nasa saloobin nila.

"At hindi mo rin naman sila mapipigilan."

Sa Pilipinas, masyadong apektado ang fans ng isang artista o sa isang kasali sa anumang pakontes.

At kapag may nasabi ritong hindi nila nagustuhan ay idinadaan nila kadalasan sa pangba-bash.

Pahayag ni Lani, “Honestly, kung minsan, gaano man ka-valid o gaano katotoo yung eksplanasyon mo, kapag ito ang naiisip nila, hindi mo mababali ang kanilang paninindigan, paniniwala.

“Kung minsan, parang, 'We are just looking at the same mountain pero we see this mountain differently.'

“Yun pala, magkaibang anggulo lang ang posisyon natin. Parang ganun lang yun.

"So, mahirap, mahirap.

"Siguro kung talagang magkakaroon ng bashings o bashers sa darating na mga araw, e, wala ako magagawa."

Dagdag pa niya, “Sumagot ako very, very few, kasi hindi din naman ako makakasagot dahil nga mas marami naman akong nililinis na alikabok sa bahay [sa Amerika] kaysa makapaghawak ng telepono, sa totoo lang naman, kaya hindi ako makasagot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa grand presscon ng The Clash noong Huwebes, June 28.

Ito rin ang reunion nila ni Regine Velasquez na nakasama niya noon sa SOP sa GMA-7 din.

Ang Asia’s Songbird ang host ng programa na magsisimula na sa July 7 (pagkatapos ng Pepito Manaloto) at July 8 (pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko).


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN