John Lloyd Cruz tags report about alleged baptism of baby with Ellen Adarna as "fake news"

IMAGE PEP File

Binasag na ni John Lloyd Cruz ang kanyang katahimikan pagkatapos lumabas ang mga balita tungkol sa panganganak ng partner niyang si Ellen Adarna. Ngunit tinawag na "fake news" ng aktor ang ulat na nabinyagan na diumano ang anak nila.


Tinawag ni John Lloyd Cruz na "fake news" ang lumabas na balitang nabinyagan na diumano ang anak nila ng sexy star na si Ellen Adarna.

Ngayong Lunes ng hapon, July 2, nag-post ang aktor sa Instagram ng screen shot ng headline ng isang online news website.

Nakalagay sa headline: “Ellen Adarna got her son baptized and the hospital security was extra tight.”

Caption dito ni John Lloyd, “FUCK FAKE NEWS.”

FUCK FAKE NEWS @inquirerdotnet @preen.ph

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Mula nang pumutok ang balitang nanganak na si Ellen, ngayon lamang nagbigay ng reaksiyon ang aktor.

Ngunit wala pa ring direktang pagtanggi o pagkumpirma tungkol sa mga lumabas na balita mula kay John Lloyd o kay Ellen.

Base sa mga lumabas na ulat, isinilang ni Ellen ang anak nilang lalaki ni John Lloyd noong June 27 sa isang pribadong ospital sa Cebu.

May impormasyon ding lumabas mula sa isang netizen na masyado raw hinigpitan ang seguridad sa ospital mula nung manganak ang sexy star.

May balita ring lumabas na pinapa-preserve daw nina John Lloyd at Ellen ang kaputol na umbilical cord ng kanilang anak upang magamit sa anumang problema sa kalusugan ng kanilang pamilya balang-araw.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz's son reportedly baptized
Ellen Adarna and John Lloyd Cruz's son reportedly baptized
Has Ellen Adarna given birth to a baby boy?
Has Ellen Adarna given birth to a baby boy?


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN