Kris Aquino on why she won't run for Senate: "I was too used to having the spotlight solo."

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino explains why she cannot be part of the Senate: "I would worry everyday that the 23 other very powerful people would want to poison me."


Bukod sa endorsement deals, may iba pang dahilan si Kris Aquino kung bakit hindi siya maaaring sumali sa senatorial race sa 2019.

Sa Q&A session sa kanyang Instagram account kahapon, July 1, ilang beses natanong si Kris tungkol sa balitang tatakbo umano siya sa susunod na eleksyon.

Sagot dito ni Kris, “NO. My mom said I was too used to having the spotlight solo—so I would worry everyday that the 23 other very powerful people would want to poison me.”


Kung wala sa plano ni Kris ang maging government official, tanong ni @superjorome, “How do you give back to the society? Could you paint a picture of the kind of aid you extend your fellow people?”

Tumanggi ang TV host/actress/celebrity influencer na magbigay ng direktang sagot, ngunit pahapyaw niyang nabanggit ang regular na pagtulong sa simbahan.

Aniya, “I would prefer that I not do the announcing. Maybe at some point parishes I support monthly will share their experiences.”


Noong kasagsagan ng sagutan sa social media nina Kris at Mocha Uson, inakala ng marami na may plano ang una na pasukin ang pulitika.

Ito ay dahil sa sinabi ni Kris na iniisip niya kung maaari niyang gamitin ang kanyang boses at impluwensiya sa ibang paraan, gaya ng pagtakbo sa public office.

Nauna niya itong nilinaw sa kanyang guest appearance sa radio program ni Cristy Fermin noong nakaraang buwan.

Aniya, “Hindi po ako tatakbo sa 2019. I cannot.

“I'm not allowed because we computed. Times two pala ang isosoli ko, Nay, sa kontrata kung hindi ko tapusin.”

“...Sorry po, I'm being honest with all of you, I can't afford it.”

“I myself am telling you, I cannot afford it.”


Stories We Are Tracking

Kris on why she won't run in 2019:
Kris on why she won't run in 2019: "I cannot afford it."


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN