Is Kris Aquino still friends with Vice Ganda, Boy Abunda, Ai-Ai delas Alas?

IMAGE Noel Orsal

Netizens ask Kris Aquino about her friendship status with former ABS-CBN co-stars Boy Abunda, Vice Ganda, and Ai-Ai delas Alas.


Sa Instagram Q&A (question-and-answer) session na ginawa ni Kris Aquino nitong Linggo, July 1, tinanong siya ng netizens tungkol sa estado ng pakikipagkaibigan niya kina Boy Abunda, Vice Ganda, at Ai-Ai delas Alas.

Dating magkakasama sa bakuran ng ABS-CBN ang apat.

Ngunit nang umalis si Kris sa Kapamilya network ay kapansin-pansing nagbago na rin ang turingan nila.

Magkasunod na tanong ng isang netizen kay Kris: ano ang pakiramdam niya sa akusasyong dumidikit daw siya sa mga sikat na artista para mapag-usapan, at kumusta na ang friendship niya kina Ai-Ai, Vice, at Boy.

Ang tanging sinagot ni Kris ay ang unang tanong.

Sabi niya, unfair na akusahan siyang sumasakay sa kasikatan ng iba, patunay ang pagkakaroon niya ng 53 endorsements.


May netizens na sinundot ang tanong tungkol sa friendship niya kina Boy at Vice.

Ayon kay Kris, magkaibigan pa sila ni Boy. 

Naging manager ni Kris si Boy bago lisanin ni Kris ang ABS-CBN noong 2016. 


Nang usisain kung friends pa rin sila ng It’s Showtime host, sagot ni Kris, “I hope so.”

Nag-follow-up questions ang ilang netizen kung bakit "I hope so" ang naging sagot niya, pero hindi na ulit sumagot dito si Kris.




Wala namang sumundot ng tanong tungkol sa pagkakaibigan nila ni Ai-Ai.

Dating magkaibigan sina Kris at Ai-Ai, subalit nagsimulang magkaroon ng lamat ng kanilang pagkakaibigan nang hindi dumalo si Kris sa burol ng ina ni Ai-Ai noong 2013.

ON JAMES AND GIDEON. Tinanong din ang TV host-actress tungkol sa dating asawang si James Yap at ang nali-link sa kanyang lawyer-professor na si Attorney Gideon Peña.

Naisip ba niyang sana ay pinatawad na lang niya si James noon at baka buo pa rin ang pamilya nila ngayon?

Ani Kris, wala siyang pagsisisi dahil nagkaanak sila—si Bimby.


Idiin din ni Kris na magkaibigan lang sila ng nali-link sa kanyang si Atty. Peña.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Marami ang nag-akalang may namumuong relasyon kina Kris at Gideon dahil sa pagsasagutan nila sa social media at paggi-guest ni Kris sa abogado sa kanyang online show noong June.

 


Stories We Are Tracking

Kris Aquino dismisses alleged brewing romance with lawyer
Kris Aquino dismisses alleged brewing romance with lawyer


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN