Iñigo Pascual defends Maris Racal on 'liberated' tag; says Bela Padilla not a bad influence

IMAGE Instagram

Iñigo Pascual says his love-team partner Maris Racal is liberated in a good way. "I would totally disagree with people [saying] she's liberated in a negative way. Siguro being liberated in a positive way, in expressing yourself and being able to do things you love. That's a good thing."


Agad na dinepensahan ni Iñigo Pascual si Maris Racal sa mga puna at paratang ng ilang netizens na naging liberated daw ang kapareha mula nang maging kaibigan nito si Bela Padilla.

Nagsimula ang ganitong obserbasyon nang magsuot ng sexy outfit si Maris sa isang event kasama si Bela. 

Micro micro

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Nakumpara rin ng isang netizen si Maris sa kapwa Pinoy Big Brother housemate niyang si Loisa Andalio.

Ayon sa netizen, mukhang mas na-handle daw mabuti ni Loisa ang sarili at values kumpara kay Maris.

Pagtatanggol naman ni Iñigo sa kapareha, hindi pa rin nawawala ang pagiging conservative ni Maris taliwas sa sinasabi ng iba.

"Yes they are friends but it's not they are liberated," pagtukoy niya kina Maris at Bela.

"[Maris] is enjoying herself.

"But in terms of being liberated in a negative way, I do not see that and I do not support that as well.

"I know Maris, coming from Davao, she's a very conservative girl.

"I would totally disagree with people [saying] she's liberated in a negative way. 

"Siguro being liberated in a positive way, in expressing yourself and being able to do things you love. That's a good thing."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Iñigo sa ABS-CBN compound kamakailan. 

NOT BAD INFLUENCE. Ayon pa sa actor-singer, hindi niya nakita kahit kailan na bad influence si Bela kay Maris, lalo't alam niyang mabuting tao at kaibigan ang aktres.

Aniya, "In terms of hanging out with Ate Bela, Ate Bela is a beautiful person inside and out and she's a good influence to Maris."

Nakilala raw ni Iñigo si Bela noong panahong ipinalabas ang Meet Me In St. Gallen. 

Bida rito si Bela, at ang nag-produce naman ng pelikula ay ang Spring Films, kung saan kabilang ang kanyang amang si Piolo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Iñigo, "Sobrang bait na tao ni Ate Bela and for them, hanging out it's a good thing. Parang naging ate na ni Maris si Ate Bela.

"Siyempre in the industry, there are friends that they're like siblings to you. To have someone that you can relate with, o get along with."

Hiningan din namin ng reaksiyon si Iñigo sa mga pumupuna sa pagiging sexy at daring na raw manamit ngayon ni Maris.

X #UnlockingSoon (c) @archiecarrasco

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Aniya, "She's at age, she's 20 years old.

"Honestly, I tell her, I tell her naman if I feel uncomfortable with what she is wearing, when I feel it's too much.

"Artista kami, we're supposed to do what we supposed to do. I don't think she's doing anything wrong for people to judge her.

"She's 20 years old, di naman siya lumalabas nang naka-two piece or anything.

"Pag ba nagpunta sa beach, dapat ba naka-long sleeves at jogging pants? Hindi naman.

"So I wouldn't say there's anything wrong."

Dinepensa rin ng singer ang kapareha sa pamba-bash ng ilang miyembro at supporters ng LGBTQ.

Ito ay dahil sa Maalaala Mo Kaya (MMK) episode ni Maris kamakailan kung saan ginampanan nito ang karakter na noong una ay lesbian ngunit kalaunan ay nadiskubreng siya ay bisexual.


Stories We Are Tracking

Maris Racal defends controversial <em>MMK </em>episode
Maris Racal defends controversial MMK episode
COMMENTARY: What <em>MMK</em> did right in Maris Racal's
COMMENTARY: What MMK did right in Maris Racal's "Ukelele"

Komento ni Iñigo, "Di b,a she did the MMK?

"I don't wanna say anything negative about it, pero mahirap kasing i-judge ang isang bagay bago mo pa ito makita. Basically, yun ang nangyari.

"After seeing the MMK, okay naman daw yung episode, a lot of people took back what they said. It's not to attack anyone, it's more to inspire people.

"She's just given the part, she's given the role. Kahit sa script they're not making fun of anybody, wala namang sinasabing mali.

"It makes me sad that people would say hurtful things before they see the actual product." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW PROJECTS. Samantala, busy naman ngayon sina Iñigo at Maris sa paggawa ng pelikula at sa upcoming U.S. tour kasama ang ama ng binata na si Piolo.

Saad niya, "Ayos naman, we're half way done.

"Half way na kami sa movie, sobrang nakaka-excite siyempre kasi it's been a while since I did a movie, it's almost been two years since I did my last movie.

"To be doing this with Maris and to be able to do something different, sobrang naninibago ako, sobrang di ako sanay sa ganito.

"Pero you know, it's good to challenge myself. Siyempre masaya ako for Maris dahil she's doing so many projects. 

"Hindi lang ito ang project niya, ang dami niyang ginagawang projects. She's doing a project with JoshLia [Joshua Garcia and Julia Barretto].

"Masaya ako, sobrang saya ng journey."

Patuloy pa ni Iñigo, "Kako-confirm lang na we're doing a U.S. tour kasama si Papa P.

"Masaya ako na we got to do things. It's her first time going to the States so masaya ako, I'm excited.

"I don't know how to describe my happiness for whatever's going on, sa mga nangyayari ngayon sobrang positive lang.

"Of course we're super thankful sa mga nangyayari, she's launching her album soon, maraming nangyayari na super thankful kami, siyempre we're grateful."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN