Tacloban Mayor Cristina Gonzalez dismisses competition with Ormoc Mayor Richard Gomez

IMAGE Facebook / Instagram

Tacloban City Mayor Cristina Gonzales only has good words for Ormoc City Mayor Richard Gomez, who like her started in showbiz before becoming a politician. "Definitely I know that Mayor Richard has the heart talaga. Kasi when you live in the region, your heart is not only sa siyudad mo, para sa buong rehiyon din."


Matagumpay na nairaos ang Sangyaw Festival 2018 sa Tacloban City, Leyte, nitong nakaraang Hunyo.

Libu-libong local residents ng buong Leyte at mga turista ang sumaksi sa isang linggong selebrasyon, na natapos noong Hunyo 30.

Ilan sa mga highlight ng piyesta ay ang nightly open-concert show at ang Parade of Lights, na dinaluhan pa nina dating Senator Bongbong Marcos, Congresswoman Imee Marcos, at ilang talents ng Kapamilya network. 

Halos sabay na nagdaos ng kanilang okasyon ang Ormoc at Tacloban.

Ipinagdiwang ng Ormoc ang kanilang Piña Festival noong June 24.

Nilinaw ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzalez-Romualdez na walang intensiyon na magpaligsahan ang Ormoc at Tacloban.

Sabi pa ng 48-year-old city mayor, “Ay, hindi naman, talagang matagal na yun, matagal nang ganun.

"Siyempre sa Leyte, meron silang feast day. One day lang ang pagitan."

Giit niya, walang kumpetisyon sa kanilang dalawa ng kasalukuyang mayor ng Ormoc na si Richard "Goma" Gomez, na isa ring taga-showbiz.

Pahayag ni Cristina, “Hindi naman ano... Happy naman ako sa Ormoc and, of course, kay Mayor Richard Gomez and Congresswoman Lucy [Torres-Gomez, asawa ni Richard].

"At least within Samar region, happy yung mga happiest people."

Nagtutulungan daw ang Ormoc at Tacloban.

Aniya, “Actually, tulungan naman. Parang wala namang... kumbaga, hindi na kami yung, like, showbiz mood really, 'no?

"I’m sure Mayor Richard also.

"So, pag may mga event, if ever, like nung last meeting nung NEDA [National Economic and Development Authority], yung regional meeting ng lahat ng mayors, doon ginawa sa Ormoc. 

"Minsan sa amin naman. 

“Nagtutulungan din naman kami.

"Like, yung airport, we’re supportive of each other. 

"When it comes to passing yung mga request for, like sa budget para sa airport namin, pag sa airport ng Ormoc, nagtutulungan din kami.

"We support them, they support us.

“Kasi siyempre naman, region natin ito, e. So definitely I know that Mayor Richard has the heart talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, when you live in the region, your heart is not only sa siyudad mo, para sa buong rehiyon din."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mayor Cristina sa Tacloban City Hall noong June 28.

THE CHALLENGE. Aminado si Cristina na naging challenge sa kanya ang naging reaksiyon ng iba sa pagpasok niya sa pulitika bilang dating artista, na siya ring opinyon ng ilan ukol sa pagiging politiko ngayon ni Goma.

Paliwanag niya, “Kasi, I guess also, may downside na galing ka sa showbiz.

"Kasi may initial impression na, 'Ay, hindi naman iyan graduate ng ganyang course, di ba? Anong alam niyan, artista lang iyan.' 

"Parang may mga ganung comments or impression.

“Siguro nga dahil you’re from showbiz, you tend to parang double, triple, and quadruple effort mo.

"Talagang grabe, which is actually good in a way. 

"People are happy with the performance of Mayor Richard, in fairness to Mayor Richard.

“So, talagang ganun, e.

"I guess dinu-double mo yung effort mo, which is actually good, na dapat gawin ng lahat, you have more to prove at [dapat] talagang may heart kang mag-serve."

Ayon pa kay Mayor Cristina, “And I guess teamwork rin sila ni Lucy, just like my husband and I, team work kami.

"Siyempre, starting as a councilor for three terms, talagang I’ve learned so much also."

Patuloy pa niya, “Just do what have to do. Do your job.

"I don’t believe in being stressed out, di ba? 

"If you’re gonna stress out yourself and stress out your life, worrying what people are gonna say, that will make you sick and all that.

“Parang ayokong ma-stress out, tatanda lang tayo.

"So just do your job, enjoy, enjoy it. Do your best. We’re not perfect but you try your best."

Hindi rin daw siya naniniwala sa kumpetisyon sa pagitan ng mga lingkod ng bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre job naman nating gumawa ng magandang trabaho for the people, but not be stressed out over it na you wanna compete.

“Kasi hindi mo na mai-enjoy iyan, e. You’re doing it to compete lang or what.

"Ayoko ng ganyan. You do it lang kasi alam mong yun ang tama."

Dugtong pa niya, “I always trust in the Lord.

"Kasi minsan, lahat gagawin mo na you try your best, pero wala pa rin. 

"So, I guess we all know that we just do what's right, just do your best, try to excel on whatever you do. 

"Ultimately, you have to trust in the Lord kasi Siya naman ang in control nito lahat, e."

CRISTINA'S HUSBAND. Nagpahayag naman ng kasiyahan at pasasalamat si Mayor Cristina sa lahat ng nakibahagi sa kanilang piyesta, pati na sa mga pumuri sa ganda at laki ng kanilang preparasyon.

Binigyang kredito ni Mayor Cristina ang kanyang asawang si former Tacloban Mayor Alfred Romualdez.

Si Alfred ay halos sampung taong nanungkulang mayor ng Tacloban.

Nang masalanta ng Yolanda ang siyudad noong 2013, sinikap daw nitong maibangong muli sa pagkakadapa ang kanilang mga nasasakupan.

Pahayag ni Cristina, “Well, actually, in fairness naman to my husband, di ba, five years na ang Yolanda?

"Mula nung na-Yolanda, sobrang walang-wala ito, everything was like devastated.

"In fairness naman sa kanya, siya ang mayor nun, trinabaho niya talaga.

"So, nung pag-upo ko, medyo madali na. Tulangan din kami.

"I was a councilor at that time, of course he was the mayor."

Dagdag niya, "Love niya talaga yung city.

"Siyempre masasaktan din kami pag hindi maganda yung sitwasyon ng Tacloban.”

Dumating din si Pangulong Rodrigo Duterte para makibahagi sa selebrasyon at bumisita sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga biktima ng bagyong Yolanda noong 2013.

SHOWBIZ COMEBACK? Hanggang ngayon wala pa sa plano ni Cristina ang balikan ang pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Kung talagang sobrang challenging na maganda ang role, yeah.

"Pero siguro ngayon, paano? Ang oras ko, hahatiin ko ang katawan ko?"

May mga natanggihan na rin daw siyang offers noon.

"In the past, especially noong nasa politics na ako, kasi I have to fly in, fly out.

"You really have to, siyempre magsu-shooting ka 24 hours out of town, walang tulog."

Tatakbo ba siya uli bilang mayor ng Tacloban sa susunod na eleksiyon?

“I really don’t know,” pakli niya.

“Baka si husband na, itanong niyo sa kanya.

“Actually, kung papayagan ako ng husband ko na siya na lang muna. Papahinga ako in a way, but I'll still help. I will still help.

"I will have more time to monitor my children."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN