Vice Ganda tweets "Kapayapaan" amid Gilas Pilipinas-Boomers brawl; Terrence Romeo blasts critics

IMAGE Instagram

Vice Ganda tweets amid Gilas Pilipinas-Boomers basketball brawl in FIBA. Terrence Romeo, on the other hand, defends Gilas' action.


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang rambol na naganap sa pagitan ng koponan ng Pilipinas at ng Australia sa kalagitnaan ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifier sa Philippine Arena kagabi, July 2.

Kabilang ang popular player ng Gilas Pilipinas na si Terrence Romeo sa nakasali sa gulo at na-eject mula sa laro.

Nang maging trending ang balita, ilang netizens ang hindi naiwasang iugnay ang pangyayari sa It's Showtime host na si Vice Ganda, na naging lover diumano ng Gilas player.

Mapapansing marami ang nag-tag kay Vice sa mga balita tungkol sa pangyayari, habang ang iba naman ay tinatanong ang kanyang opinyon.

Sa kabila nito, walang anumang pahayag si Vice tungkol sa isyu.

Ngunit kapansin-pansing tila may kaugnayan ang kanyang natatanging post habang trending topic sa Twitter ang rambol kagabi.

Ang post lang ni Vice: “#KAPAYAPAAN.”

Sa thread na ito, samu't sari ang naging opinyon ng fans ng comedian-TV host tungkol sa pangyayari.

Ang iba naman ay idinaan sa biro ang pag-uugnay nila kina Vice at Terrence.

Narito ang ilan sa kanila:


Stories We Are Tracking

PBA player denies rumored relationship with Vice
PBA player denies rumored relationship with Vice
Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo’s denial
Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo’s denial

TERRENCE STANDS BY HIS ACTION. Samantala, nag-react naman si Terrence sa mga nagsasabing nakakahiya ang inasal niya at kanyang mga kasamahan sa Gilas Pilipinas.

Pahayag niya sa kanyang Twitter post kagabi rin, “Wala kaming paki alam sa inyo.

“Kami magkaka-teammate sa loob, kailangan namin magtulungan.

“Hindi namin puwede pabayaan yung isa't isa.

“Kung embarrassing kami sa mata niyo, ba't di kayo mag-convert ng Australian?”

Dagdag katuwiran pa ni Terrence, “Kahit anong sabihin niyo, naglalaro kami para sa isa't isa, para sa kapwa natin Pilipino, higit sa lahat para sa bayan.

“Hindi niyo alam ang sacrifice namin.

“Kung para sa inyo mali tulungan namin yung kakampi namin sinasaktan, problema niyo na yun basta kami walang iwanan tapos!!!”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN