Gary, Bianca, Karen, other celebs react to Gilas Pilipinas-Boomers brawl

IMAGE Instagram (Karen, Bianca, Ethel) / Facebook (Gary Valenciano)

Karen Davila, Bianca Gonzalez, Gary Valenciano, Ethel Booba, and other celebs air opinion on the FIBA "basketbrawl."


Nakisali ang ilang celebrities sa mainit na diskusyon sa social media, kasunod ng nangyaring pisikalan sa pagitan ng koponang Gilas Pilipinas at Australian basketball team na Boomers sa 2019 FIBA World Cup qualifier.

Ang init ng laro ay nauwi sa init ng ulo pagdating ng third quarter, na humantong sa pag-aaway ng mga miyembro ng dalawang koponan sa game na ginanap sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan, nitong Lunes ng gabi, July 2.

Hati ang reaksiyon ng netizens, at naglabas ng opinyon ang mga kilalang personalidad via social media.

Sabi ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, hiyang-hiya siya sa nangyaring gulo.

Sa mga tweet naman ng ABS-CBN newscaster na si Karen Davila, naniniwala siyang dapat mas naging mapagbigay ang Pilipinas bilang host country.

“Host country tayo. We shouldve shown some class,” tweet ni Karen.

Tweet naman ng PBA player na si Chris Tiu, nauunawaan niya ang pagtatanggol ng mga atleta para sa kanilang teammates, subalit ang nangyari ay “bad for the sport.”

Pinuri naman ng host na si Bianca Gonzalez, asawa ng PBA player na si JC Intal, ang tatlong miyembro ng Gilas na nanatiling kalmado sa gitna ng gulo.

“It takes a LOT for someone in a highly heated moment to keep their calm, even if I am sure deep inside they want to defend their own,” bahagi ng tweet ni Bianca.

“Disappointed” naman ang film at TV director na si Jose Javier Reyes na nagsabi ring kung ang laro ay naging dahilan ng pagkakawatak-watak sa halip na pagkakaisa, bigo ang layunin nito.

Frustrating naman para sa radio jock-host na si Sam Gogna ang nangyari.

May halong biro namang tweet ni KC Montero, dahil sa nangyaring gulo sa FIBA ay naagaw ang spotlight kay Lebron James sa balitang paglipat niya sa L.A. Lakers mula sa Cleveland Cavaliers.

Hinaluan naman ni Ethel Booba ng kanyang trademark sense of humor ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang tweet ay parody ng naunang tweet ni Gilas team member Terrence Romeo, na isa sa mga player na na-eject sa game dahil sa pagsama sa gulo. 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN